CHAPTER 42

13 0 0
                                    

Ilang araw ko ng hindi nakikita si Louise dito sa ospital, alam ko naman na iniiwasan niya ako pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya mamiss. Miss na miss ko na si Louise, gustong-gusto ko nang puntahan siya sa kan'yang opisina pero iniisip ko na baka ipagtabuyan lang niya ako. Kaya wala akong magagawa kung hindi ang bigyan muna siya ng panahong makapag-isip. Pero mas kinakabahan ako sa posibleng mangyari. Tama si Gascon, walang mangyayari kung hihintayin ko siyang kausapin ako at sulyapan lang siya sa malayo. At baka tuluyang mapunta na siya kay Kristoff at pumayag na magpakasal. 

Napatayo akong bigla sa aking higaan at nagtungo sa kusina para kumuha ng isang lata ng beer sa ref. Nagtungo ako sa veranda at nakatingin sa malayo habang umiinom. Ilang gabi na akong hindi makatulog sa kakaisip kay Louise, kung mapapatawad niya pa ba ako. Napabuga ako nang malakas sa hangin at napatingala. Tanging buwan lang ang nagsisilbing liwanag dito sa veranda.

"Anong gagawin ko Celestine? Nawala ka na sa'kin, tapos si Louise baka tuluyan na ring mawala sa akin. Hindi ko sinasadyang muling tumibok itong puso ko sa kan'ya. Sa kakambal mong si Louise." Wika ko naman sa aking sarili habang nakatitig sa liwanag ng buwan.


"Kailan mo sasabihin kay tita Celicia na kambal pala ang naging anak niya?" tanong sa akin ni Jake habang naglalakad kami papunta sa caffeteria.

"Mamaya na Jake, ilang gabi ko rin itong pinag-isipan simula noong nalaman ko na kambal pala sila ni Celestine"

"Ang saklap ng nangyari sa kanila. Hindi ko lubos maisip na magagawa 'yon ng papa nila," hindi makapaniwalang saad ni Jake. Pagkatapos naming kumuha ng pagkain ay naupo na kami at dinig na dinig namin ang usapan ng ibang nurse sa hindi kalayuang puwesto namin.

"Mahigit dalawang linggo na palang hindi pumapasok si Doctora Alcantara no?"

"Oo nga eh, baka inaayos na nila iyong nalalapit nilang kasal?"

"Grabe ang suwerte ni Doctora! ang pogi noong mapapangasawa niya." Napatayo akong bigla na ikinagulat naman ni Jake. Hindi pa ako nakakakain ay lumabas na ako ng caffeteria, nawalan na ako ng gana dahil sa aking mga naririnig. 

Pabalagbag kong isinara ang pinto ng opisina ko at mabilis ang aking paghinga. Tumayo ako sa tapat ng aking bintana at pumikit ng mariin. Totoo kayang ikakasal sila ni Kristoff? Tutuparin na ba niya ang kasunduan nila? Hindi man lang niya akong hinintay makapagpaliwanag. Tatanggapin ko ang hindi niya pagkausap muna sa'kin, kaya kong tiisin ang hindi muna siya makita. Pero ang magpakasal siya kay Kristoff ay hindi ko na kaya at hindi ko matatanggap. Gusto ko siyang makita at makausap at ipaliwanag sa kan'ya ang lahat-lahat alam kong kapag nalaman niya ay mapapatawad niya ako. Hindi ko siya kayang isuko, pakiramdam ko mamamatay na ako kapag nangyari 'yon.

"Wal ano bang nangyayari sa'yo?" tanong sa'kin ni Jake nang sundan niya ako dito sa aking opisina.

"I don't want to lose her Jake"

"Kung ayaw mo siyang mawala, bakit hindi mo siya puntahan? gumawa ka ng paraan para makausap mo s'ya. Mawawala talaga siya sa'yo kapag hindi ka pa kumilos." Napaisip naman akong bigla sa sinabi ni Jake. Kung wala talaga akong gagawin iisipin n'ya na totoo 'yong mga paratang niya sa'kin. Kailangan ko nang kumilos para mabawi si Louise. "Kung tatanga-tanga ka lang d'yan Wal tuluyan na siyang magiging Mrs. Jimenez," sinamaan ko naman siya nang tingin na ikinangiti niya pa. Lalabas na sana ako ng aking opisina para puntahan si Louise sa kanila nang bigla namang bumungad si Shania na ikinagulat naming dalawa ni Jake.

"What are you doing here?" malamig kong tanong sa kan'ya.

"Puwede ka bang makausap Doc Wallace?" mahinahong wika niya sa akin.

"Sige Wal mauna na muna ako," paalam ni Jake. At nang makaalis na siya ay naupo naman ako sa aking swivel chair at siya nama'y nanatiling nakatayo sa aking harapan.

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now