CHAPTER 31

15 0 0
                                    

Natapos na ang medical mission namin sa Quezon ay umuwi na rin kami sa Manila at kasama na namin si Ysmael. Ako na muna ang magiging guardian niya sa ngayon habang hindi pa namin napagdedesisyunan ito ng mga magulang ko. Doon muna siya sa mga magulang ko titira para may kasama s'ya kahit papaano. Sa ospital na muna kami dumeretso ni Louise para kunin ko ang mga ibang gamit ko sa aking opisina. Pinagbuksan ko naman siya ng pinto ng kotse at matamis na ngumiti sa akin, sunod namang bumaba si Ysmael mula sa back seat.

"Pupunta ka ba muna sa opisina mo hon?" Gulat naman niya akong tinitigan. "Why hon my problema ba?"

"Please don't call me that kapag nandito tayo sa ospital," mahinang wika n'ya sa'kin.

"Ah oo nga pala sorry Doctora Alcantara," ngumiti naman ako sa kan'ya.

"Love!" Sabay naman kaming napalingon, at nakita namin si Kristoff na papalapit sa aming kinaroroonan. Biglang kumirot ang puso ko dahil dito na nagtatapos ang aming masayang pagsasama ni Louise na hindi namin p'wedeng gawin dito.

"H-hi Kristoff," hinalikan naman ni Kristoff si Louise sa kan'yang pisngi na ikinaiwas ko nang tingin. Napakuyom na lang ako ng palad at hindi ko na kayang tignan ang mga ganoong eksena.

"Doctor Miller salamat pala sa pagsabay mo kay Louise"

"Wala 'yon," tipid kong sagot sa kan'ya habang nakatitig ako kay Louise.

"Oh, sino 'yang cute na batang kasama n'yo?" Baling ni Kristoff kay Ysmael.

"Ah s'ya si Ysmael, ako muna ang magiging guardian n'ya. Namatay kasi 'yong nanay niya at wala na rin siyang mapupuntahan kaya nagdecide akong kunin muna s'ya"

"Oh I see. Hi Ysmael! Ako nga pala si kuya Kristoff. But you can me Tito Kristoff if you want?" Masayang wika naman niya sa bata.

"Sige po tito Kristoff!

"Ilang taon ka na pala?"

"Nine years old po"

"Kung gusto mo kami na lang ang aampon sa'yo kapag kinasal na kami ng tita Louise mo, ano sa tingin mo?" Pareho naman kami napatingin ni Louise kay Kristoff dahil sa kan'yang sinabi.

Parang gusto kong magwala ngayon para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Gusto kong sabihin sa kan'ya na mahal ko si Louise at akin na s'ya. Pero si Louise lang ang makakapagsabi no'n kay Kristoff at kailangan ko lang maghintay.

"Hindi na kailangan Kristoff dahil aasikasuhin ko na rin 'yong papel n'ya para legal na maging guardian n'ya 'ko.

"Ah I see. Balak mo na bang magpakasal din? Natigilan naman akong bigla at sinulyapan si Louise na nagtataka akong tinitigan.

"S-someday"

"Naku alam na ba 'yan ni Sha-Sha? Nakapagpropose ka na ba sa kan'ya?" Napalunok akong bigla at kita ko kay Louise na parang bigla s'yang nagalit sa sinabing iyon ni Kristoff. Magsasalita pa sana ako ng biglang nagsalita si Louise.

"Let's go Kristoff pagod na rin kasi ako eh, gusto ko nang magpahinga. Ysmael be a good boy ha? Pag may time dadalawin kita do'n okay?" Baling n'ya kay Ysmael.

"Sige po tita Doctora," napangiti naman si Louise sa tinuran ni Ysmael. 

Mabilis siyang tumalikod na hindi man lang nagpaalam sa'kin o sinulyapan man lang ako. Sumunod na rin si Kristoff sa kan'ya na nakahawak sa kan'yang bewang. Hindi ko naman mapigilan ang magselos sa tuwing makikita ko na lang sila na laging ganito. Hindi ko namalayang kanina pa pala ako tinatawag ni Ysmael.

"Tito Doctor, akala ko po ba kayo ang boyfriend ni tita Doctora?" Mapait naman akong ngumiti sa kan'ya at pagkuwa'y bahagyang yumuko para magpantay kami.

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now