CHAPTER 28

10 0 0
                                    


Bago ako magsimula ay inayos ko muna ang mga gamit ko. Marami na ring mga residente ang nakapila dito sa stadium kung saan kami may medical mission. Kita ko naman sa 'di kalayuan si Doctor Miller na masuyong nakatingin sa akin at nakahalumbaba pa ito. Naiiling na lang ako sa kan'ya at pinagpatuloy ang aking ginagawa.

"Doctora para sa'yo oh," napatingala naman ako kung sino ang nagbigay sa akin ng juice. Isa rin siyang Doctor at nakangiting-nakangiti ito sa akin.

"S-salamat," wika ko sa kan'ya. Maya-maya ay may lumapit namang Doctor din at binigyan ako ng sandwich, kaya napatingin akong muli sa kan'ya.

"Baka nagugutom ka na Doctora?"

"Ha? Ahm, h-hindi naman pero salamat na rin," naiilang ko namang sagot sa kan'ya habang abala pa rin ako sa pagkuha ng B.P ng pasyente ko.

"Naku Doctora ha ang dami mong admirers dito!" Nangingiti namang saad sa'kin ng katabi kong Nurse. Nahihiya naman akong gumanti rin sa kan'ya ng ngiti. "Baka sunod n'yan si Doctor Miller na ang pumunta dito sa table natin?" Parang biglang malalaglag ang puso ko pagkarinig sa kan'yang pangalan at tumingin sa gawi n'ya. Masama naman ang tingin nito sa'kin kaya umiwas na lang ako ng tingin sa kan'ya. Alam ko ang mga gano'ng tingin niya. Napapitlag naman ako ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa, kinuha ko ito at binasa ang nilalaman ng text.

"I told you tarayan mo 'yong mga lumalapit sa'yo katulad ng pagtataray mo sa'kin." Napasulyap ako sa gawi n'ya at tinaasan s'ya ng kilay.

"Ayoko," walang boses kong turan sa kan'ya pero alam kong alam niya kung ano ang sinabi ko kaya nanlaki ang mata niya akong tinitigan. Ilang minuto pa ay may lumapit na naman ulit sa'kin, ito 'yong Nurse na kinukulit ako kanina. Nagbigay lang siya ng maliit na papel na ikinataka ko. Kaagad ko naman itong binuksan at binasa.

"P'wede ka bang yayain mamasyal mamayang off-duty?" Napabuntong hininga na lang ako at binulsa na lang ang sulat na binigay niya. Narinig ko naman ang boses ni Doctor Miller na parang galit kaya lahat kami na naroroon ay napatingin na rin.

"Ilang b'wan ko nang tinuturo sa'yo 'yan pero hindi mo pa rin magawa?! Halatang iritado siya at mariin niyang saad sa babaeng Nurse.

"S-sorry po Doctor Miller"

"Paano kung maiwan 'yong karayom sa loob ng ugat niya? Be responsible Nurse Lea!"

"Pasensya na po talaga Doc." Napahilot na lang si Doctor Miller sa kan'yang sentido.

"Anong problema n'ya bakit bigla na lang uminit ang ulo n'ya?" Bulong ko sa aking sarili. Hapon na rin nang matapos ang medical mission namin sa stadium. Kan'ya-kanyang ayos na rin kami ng aming mga gamit. Nagulat na lang ako nang lumapit si Doctor Miller at kinuha na lang nito basta ang juice at sandwich na nakapatong sa aking lamesa.

"Sa'kin na lang 'to, nagugutom na 'ko kanina pa eh." Mabilis siyang tumalikod at hindi na 'ko nakapagsalita pa. Napabuntong hininga na lang ako at pinanliitan s'ya ng mata habang tinatanaw siya papuntang muli sa kan'yang puwesto. Lumapit naman sa'kin ang Nurse na nagbigay ng sulat kani-kanina lang.

"Doctora nabasa mo na ba 'yong binigay ko sa'yo?" Nahihiya naman niyang turan sa akin habang kakamot-kamot s'ya ng kan'yang ulo. Napadako naman ang tingin ko kung nasaan si Doctor Miller. Masama ang tingin nito sa lalaking Nurse na kausap ko.

"P-pasensya ka na ha, marami rin kasi akong kailangang gawin eh"

"Sige Doctora sa susunod na lang," nakangiti niyang sagot sa'kin bago ito tumalikod.

Palabas na ako sa stadium ng biglang may humikit sa aking kamay na siyang ikinagulat ko. Dinala niya ako sa likod ng stadium at sinandal sa pader.

"Ano bang ginagawa mo? Parati ka na lang nanggugulat eh," mariing wika ko sa kan'ya at sinamaan s'ya ng tingin.

The Promise of Forever (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon