CHAPTER 11

17 1 0
                                    

Nagtataka naman ako dahil ilang araw ng hindi ko nakikita si Doctor Miller. Nagalit din kaya siya sa 'kin? Paroo't parito naman ako sa loob ng aking opisina. May sakit kaya siya? O baka naman nagresign na dahil sa kamalditahan ko? Huwag naman sana, sabi ko sa aking sarili. Napatapik na lang ako sa aking noo at hindi mapakali. "Tawagan ko kaya siya para humingi ng sorry?" No! Hindi, baka mamaya kung ano pang isipin niya. Napaupo na lang ako sa aking swivel chair at nakanguso akong humalumbaba.

"Teka, bakit ko nga pala siya pinoproblema? Hihingi lang naman ako ng sorry sa kan'ya." Dahil tanghalian na rin naman ay nagpasya na akong bumaba at pumunta sa canteen. Medyo puno na rin ang canteen at wala na rin namang maupuan, lalabas na sana ako ng may biglang tumawag sa akin na isang pamilyar na boses kaya hinanap ko ito kung saan nanggagaling.

"Doctora Alcantara!"

"Kaibigan siya ni Doctor Miller ah" mahinang saad ko sa aking sarili. Kumaway pa ito sa akin at malapad na ngumiti, meron din siyang katabing Doctor din at gulat na nakatingin sa akin na para bang kilala niya ako. Lumapit naman ako sa kanilang kinaroroonan. Medyo nailang pa ako sa kasama ng kaibigan ni Doctor Miller dahil titig na titig ito sa akin.

"Kumain ka na ba Doctora Alcantara?"

"Ahm hindi pa, actually kakain pa lang ako."

"By the way ako nga pala si Jake remember 'yong kaibigan ni 9 inches?" Kita ko pang umirap 'yong katabi niyang Doctor at umiling.

"Ah, o-oo"

"And this is Doctor Marco Mendez cousin ni 9 inches." Napabaling din ang tingin ko sa kan'ya at nakatinging nakatingin din ito sa akin. Ano bang problema ng isang ito bakit ganito siya makatingin? Wika ko sa aking sarili.

"Nice meeting you Doctor Mendez" nakangiti kong saad sa kan'ya at inilahad ko pa ang aking kamay para mawala naman ang aking pagkailang. Tinitigan niya muna ang kamay ko bago niya ito tinanggap. Tipid naman akong ngumiti sa kan'ya.

"Siyanga pala Doctora Alcantara, ako na lang ang kukuha ng pagkain mo masyado na rin kasi maraming tao" sasagot pa sana ako ng bigla na lang siyang tumayo. Naiwan naman kaming dalawa ni Doctor Marco at tahimik lang siyang kumakain. Tinitigan ko naman siya, hindi mapagkakaila na gwapo din ito. Nasa genes na ata nila ang pagiging gwapo. Kaso ang pagkakaiba nga lang nila masyado itong seryoso at mukhang masungit. Samanatalang si Doctor Miller naman__nahinto lang ako sa aking pag-iisip nang magsalita ni Doctor Marco.

"You're a Pediatrician if I'm not mistaken?

"Ah y-yes."

"Paano ka nga pala nalipat dito?

"Nangailangan daw kasi ng Pedia dito ilang Doctor kasi ang ngtransfer sa ibang bansa. Bago pa makapagsalita si Doctor Marco ay dumating na si Doctor Jake dala ang pagkain ko.

"Here" abot nito sa akin.

"Salamat"

"You're welcome Cele__ I-I mean Doctora Alcantara." Nagkatinginan naman silang dalawa na ikinataka ko, ipinagkibit balikat ko na lang ito.

"Hindi niyo ata kasama si Doctor Miller?"

"Naka leave si Mr Kamote." Napaubo naman si Doctor Marco bago uminom ng tubig.

"Kamote? Taka kong tanong kay Doctor Jake.

"Pwede ba Jake babae 'yan" may diing bulong ni Doc Marco bago sumandal sa kan'yang upuan ay humalukipkip.

"Sinabihan na nga ni Doctora si Wal na 9 inches eh" ako naman ang muntik nang masamid dahil sa sinabi ni Doctor Jake, at pinanlakihan ko pa ito ng mata.

"Did you see it?"

"Ha?! Hindi! Mariing tanggi ko.

"So why did you call him 9 inches? Nakangising baling sa 'kin ni Doc Jake. Natameme naman ako at hindi makasagot. Anong sasabihin ko na nakita kong bumakat 'yong ano niya? Bakit ba kasi iyon ang lumabas sa bibig ko? Napakagat labi na lang ako dahil sa hiya.

"Don't worry Doctora Alcantara marami na ring nakakita non.". Napaubo ako at napainom bigla ng tubig sa sinabi niyang iyon.

"Jake iyang bibig mo naman! Isusurgery ko na 'yang bibig mo eh!" Don't mind him Doctora Alcantara mabait naman 'to pervert lang."

"Sino Marco ako? Si Wal lang 'yon" napakurap kurap na lang ako sa kanila habang pinagmamasdan sila. Hindi ako makapaniwalang Doctor ang mga ito.

WALLACE:

"Baby, ito na ba ang tamang oras para magmove on ako sayo?" hawak ko ang litrato naming dalawa noong kasal namin.

"Mas lalo ko lang pinahihirapan ang sarili ko dahil hanggang ngayon hindi pa rin kita maalis sa isip ko." Lalo na noong nakita ko si Doctora Alcantara na kamukhang kamukha mo" there is something in her na hindi ko maipaliwanag." Please baby give me a sign kung siya ang pinadala mo dahil sa tuwing nakikita ko siya, ikaw ang nakikita ko. I want to ignore it but I can't help it. Napabuga na lang ako sa hangin at mariing pumikit habang nakasandal ako sa head board ng aking kama. Nagfile muna ako ng ilang araw na leave dahil habang nakikita ko si Doctora Alcantara lalong bumibigat ang dibdib ko. Pakiramdam ko parang nabuhay ang asawa ko sa katauhan niya. Iniistalk ko din siya sa kan'yang social media account pero wala akong makalap na impormasyon tungkol sa pagkatao niya. Celestine is Celestine, at bago pa ako mabaliw ay puputulin ko na kaagad kung ano man itong naiisip ko. This is not right, kung siya man ang ibinigay ni Celestine para sa 'kin at kamukha pa niya, ay ako na mismo ang iiwas dahil ayokong mahulog sa kan'ya dahil sa kamukha niya ang asawa ko at isa pa ikakasal na siya kay Kristoff.

Ilang linggo din akong nakabakasyon ay naisipan ko namang pumunta muna sa bahay nila mama para dalawin. Hindi pa ako nakakapasok ng bahay ay nabungaran ko na kaagad si mama, bigla naman ako nitong sinalubong at mahigpit na niyakap.

"Si mama talaga akala mo matagal tayong hindi nagkita." Nangingiti kong saad sa kan'ya ng kumalas na siya ng pagkakayakap sa akin.

"E paano ba naman kasi tawag ako ng tawag sayo hindi mo sinasagot tapos naka leave ka pala hindi mo man lang ako pinuntahan dito!" Singhal niya sa 'kin.

"Sorry na po ma may inasikaso lang ako, saka ito oh dinalhan kita ng mango cake alam kong paborito mo 'yan eh."

"Pampalubag loob ah! Natawa na lang ako sa tinuran ni mama na animoy batang nagtatampo.

"Siyanga pala anak naikwento sa 'kin ni papa mo ang tungkol sa kamukha ni Celestine." Saglit akong hindi nakapagsalita at ngumiti lang sa kan'ya.

"Nothing to worry ma, kamukha lang siya ni Celestine sa unang tingin." Tinitigan lang niya ako at tinatanya kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Sige po malelate na 'ko marami kaming pasyente ngayon eh." Dadalawin ko na lang ulit kayo" humalik naman ako sa pisngi ni mama at lumabas na ng gate.

Nasa sasakyan na ako at nagmamaneho na papunta sa ospital pero iniisip ko pa rin kung sakaling makita nila mama si Doctora Alcantara na kamukha ni Celestine, ano rin kaya ang magiging reaksyon nila? Nasa parking lot na ako ng ospital at bababa na sana ng makita ko naman si Doctora Alcantara na kasama si Kristoff. Magkahawak kamay pa silang pumasok sa loob ng ospital. Napasandal na lang ako sa aking kinauupuan habang pinagmamasdan sila sa malayo. My god Wallace what happened to you? Mahinang sabi ko na lang sa aking sarili.


The Promise of Forever (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon