CHAPTER 41

14 0 0
                                    

Pumunta kami ni Gascon sa E.R kung nasaan si Louise. Pagkasilip ko sa labas ay kita ko na kaagad si Kristoff na nakaupo sa kama ni Louise at si Louise ay nagkamalay na at nakaupo sa kan'yang kama. Napansin ko ang pagngiti ni Louise kay Kristoff na siyang ikinakirot ng puso ko at parang paunti-unti itong pinipira-piraso. Napakuyom ako ng palad nang makita kong hinalikan ni Kristoff si Louise sa noo. Bigla namang humarang sa harap ko si Gascon nang mapansin niya ang aking itsura. Nakahalukipkip pa ito at nakangisi sa akin na tila ba'y inaasar ako. Hindi mapagkakailang magkapatid nga talaga sila ni Roco.

"So Wallace titignan mo na lang ba sila? I know you're jealous, walang mangyayari kung tatayo ka lang diyan," saad ni Gascon. Tumalikod na lang ako at naglakad palayo, sapat na sa'kin ang makita si Louise na maayos na ang kalagayan niya. "Anong gusto mong gawin ko sa kan'ya Wallace, patayin ko na ba siya?" Napahinto ako at tinitigan ko siya ng masama.

"Naloloko ka na ba?" Tumawa naman siya nang malakas na ikinairap ko.

"Ano ka ba Doctor Wallace, hindi ka pa ba nasanay sa'kin? Hindi ako pumapatay ng inosente, saka patas ako lumaban." Inakbayan niya ako at sabay na naglakad. Pagkarating namin sa labas ng ospital ay saka lang niya ulit ako hinarap. "Sige Wallace kita na lang ulit tayo sa susunod at saka pag-igihin mo ang panunuyo walang mangyayari kung panay sulyap lang ginagawa mo," mariing wika ni Gascon bago ito sumakay sa kan'yang sasakyan. 

Pagkadaan ko sa nurse station ay hindi magkamayaw ang mga nurse at panay pa ang hagikhikan nila. Tumikhim naman ako nang makalapit na ako sa kanila.

"Mukhang masaya yata mga nurse ko ngayon? Anong meron?" tanong ko habang nakatitig sa kanila.

"Doctor Miller sino iyong hot papa na kasama niyo?" tanong ni Nurse Yvette na kinikilig pa.

"Nurse Yvette may asawa ka na ah"

"Doc naman tinatanong ko lang," nakanguso niyang turan. 

"He's Gascon Montealegre, brother ni Roco." Muntik na akong mabingi sa tili ng mga nurse at mabuti na lang ay wala masyadong nagagawi roon dahil wala namang gaanong pasyente.

"Naku Doc meron pa palang mas yummy sa'yo!" Napabuga naman ako nang malakas sa hangin dahil sa sinabi ni Nurse Yvette.

"Kung wala kang asawa hindi mo s'ya kakayanin"

"Bakit naman po Doctor Wallace?"

"Kasi 10 inches 'yon, panigurado confine aabutin mo." Kita ko ang pagkagulat sa itsura niya na ikinangiti ko. Tumalikod na ako at nagpunta na sa aking opisina.

Nakarating ako sa aking opisina na hindi mapakali at iniisip kung dapat ko na bang sabihin kay Mama Celicia ang totoo. Natatakot din akong isipin nila na minahal ko si Louise dahil sa kamukha niya si Celestine. Marami akong kinakatakutan ngayon, lalo na ang mawala ng tuluyan si Louise at mapunta na siya kay Kristoff. Napasandal ako sa aking kinauupuan at pumukit. Hindi ko na malayang may tumulo na palang luha sa aking pisngi. Habang naiisip ko ang mga posibleng mangyari ay nasasaktan na ako, pero mas labis na nasaktan ay si Louise dahil sa hindi ko sinabi kaagad sa kan'ya ang totoo. Naalala ko namang bigla si Shania kaya napadilat ako at umayos nang pagkaka-upo. Hindi ko talaga mapapatawad si Shania oras na may nangyaring masama kay Louise.


"LOUISE POV:

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at para bang ang bigat ng pakiramdam ko. Iginala ko ang aking paningin at nakita ko si Kristoff na kausap ang isang nurse. At nang matapos niya itong kausapin ay binalingan naman niya ako.

"Oh love you're awake!" Umupo siya sa gilid ng aking kama at hinawakan ang aking dalawang kamay. Tinulungan niya akong bumangon para makaupo. "How do you feel love?"

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now