CHAPTER 37

13 0 0
                                    


"Yes ma?" Sagot ko sa aking ina pagkatawag niya sa aking telepono. Nandito ako sa E.R at kakatapos ko lang gamutin ang isang pasyente ko at tinatanggal ko na ang aking gloves.

"Anak narito ako ngayon sa ospital pinagluto kita ng mga paborito mong pagkain." Napangiti naman ako dahil sa pag-aalala sa'kin ni mama. Alam kong hindi na ako gaano nakakadalaw sa kanila dahil na rin sa pagiging abala ko sa aking trabaho.

"Okay po ma, nasaan ka ngayon?"

"Ito anak kakapasok ko pa lang sa loob, papunta na ako sa opisina mo"

"Hintayin mo na lang ako sa information nandito lang ako sa E.R"

"Sige anak, hihinta__, aaay! naku pasensya ka na hija hindi kita napa__, C-celestine?" Narinig kong sabi ni mama. 

Bigla namang kumalabog ang dibdib ko dahil alam kong nakita niya si Louise na inakala niyang si Celestine. Mabilis akong lumabas ng E.R para puntahan kung nasaan si mama. Hinihingal akong napahinto nang makita si mama at Louise na nakatayo at kita ko sa mukha ni mama ang pagkagulat. Kaagad ko naman silang dinaluhan at hinarap si mama.

"M-ma," sabay naman silang napatingin sa akin at si mama ay maluha-luha akong tinitigan.

"S-sorry Doctora Alcantara ah, napagkamalan ka ni mama"

"No worries, malaki siguro ang pagkakahawig namin ni Celestine kaya gano'n na lang ang pagkagulat ng mama mo. By the way sino pala si Celestine?" Nagkatinginan naman kami ni mama at hinahagilap kung ano ang sasabihin sa kan'ya. Hindi pa ito ang tamang oras para sabihin sa kan'ya ang totoo, hanggat hindi ko pa nakukumpirma kung ano ang totoo sa kanilang dalawa ni Louise at Celestine.

"S-someone we know. D-doctora Alcantara magkita na lang tayo mamaya ah may pag-uusapan lang kami ni mama." Tumango lamang siya at tipid na ngumiti sa akin. Samantalang si mama ay titig na titig pa rin kay Louise.

"Let's go ma"

"S-sige anak. Hija p-pasensya ka na ha?"

"Okay lang po ma'am," nakangiti niyang wika sa aking ina. Ramdam ko naman ang panlalambot ni mama noong makita niya si Louise. Iniupo ko muna siya sa sofa at binigyan ng maiinom.

"Are you okay?"

"A-anak, h-hiindi ako makapaniwalang kamukha niya talaga si Celestine! Tama nga ang sinabi mo"

"Iyan din po ang reaksyon ko noong una ko siyang makita. Hindi rin ako makapaniwala sa nakikita ko"

"Hindi kaya kambal sila anak?"

"Nakuha ko na ang resulta ng DNA nila ni Louise at Celestine. Actually hindi pa rin ako kampante, kasi minsan hindi nagtutugma kapag magkapatid ang pina-DNA mostly parents talaga ang hundred percent sure." Paliwanag ko naman kay mama na maluha-luhang nakatingin sa akin.

"Paano nangyari 'yon? Walang nakakaalam na kambal pala ang naging anak ni Celicia"

"Nagpunta na 'ko ma sa ospital kung saan nanganak si Mama Celicia at nakausap ko ang doctor na nagpaanak sa kan'ya, pero ayaw niyang magsalita. Alam kong may tinatago sila ma, and I want to know what is it"

"Anak, bakit hindi mo pa sabihin ang totoo sa kan'ya? Kung sino si Celestine? H'wag mong hayaang dumating ang araw na kamuhian ka niya, at isipin niya na kaya mo siya minahal dahil sa kamukha siya ng asawa mo." Kinabahan naman akong bigla dahil sa narinig kay mama. Ayokong mangyari 'yon, alam ko sa sarili ko na mahal ko si Louise hindi dahil sa kamukha niya si Celestine, kun'di dahil siya si Louise Alcantara at totoo ang nararamdaman ko para sa kan'ya.

"Soon ma, malaman ko lang talaga kung paano siya napunta sa kinikilala niyang pamilya sasabihin ko na rin sa kan'ya kung sino si Celestine sa buhay ko." Pagkatapos naming mag-usap ni mama ay hinatid ko naman siya sa kan'yang sasakyan. 

The Promise of Forever (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon