CHAPTER 43

11 0 0
                                    


Hindi ko alam kung galit ba sila sa'kin dahil kanina pa sila walang kibo. Tahimik lang kaming nakaupo at ako ay nanatili lang na nakayuko. Narinig ko pang malakas na bumuntong hininga si Clarence at tumayo sa aking harapan. Napatingala ako at kita ko sa mga mata niya ang galit. May karapatan silang magalit sa'kin dahil magkapatid pa ang pareho kong minahal. Pero sadyang ito talaga ang nararamdaman ko para kay Louise, pilit ko mang itinatanggi at pilit ko mang itago, ay siya pa rin talaga ang tinitibok nito.


"Mag-usap tayo Doc Wallace," tumalikod na siya at pumunta sa labas. Sumunod naman ako at tumayo ako sa kan'yang tabi. Nanatili siyang nakatingin sa malayo at ang dalawang kamay ay nasa kanyang bulsa.


"I know how much you love our sister Celestine. Kita namin kung paano mo siya mahalin at alagaan noon. Pinatunayan mo sa amin kung gaano ka kaseryoso sa kapatid namin. Nakita namin ang sakripisyo mo para sa kan'ya para lang maalagaan siya." Pagkasabi niyang iyon ay hinarap naman niya ako. "Doc Wallace kamukha man siya ni Celestine, pero hindi siya si Celestine. Hindi siya ang asawa mo." I know what he is trying to say. Napapikit ako at umiwas sa kan'ya nang tingin.


"Noong una ko siyang nakita, si Celestine talaga ang nasa isip ko. Nakikita ko sa kan'ya si Celestine Clarence hindi ko maipagkakaila 'yon. Pero habang tumatagal naisip ko na kailangan ko nang pakawalan si Celestine sa puso ko at tanggapin na kailanman ay hindi na siya babalik. Hindi ko nga lubos maintindihan ang sarili ko kung bakit kay Louise pa tumibok itong puso ko. Kung bakit sa kakambal pa ng yumao kong asawa. Ngayong alam na ni Louise, hindi ko alam kung mapapatawad niya pa ako o kung paano ko ipapaliwanag sa kan'ya"


"Y-you mean may alam na si Louise?"


"Ang alam lang niya ay iyong kamukha niya si Celestine, I think nagkakaroon na siya ng kutob pero hindi niya ako hinayaang makapagpaliwanag. Naiintindihan ko naman 'yon, nagalit siya sa'kin dahil hindi ko sinabi sa kan'ya 'yon kaagad. Pero sa maniwala ka at sa hindi Clarence, mahal ko si Louise. Mahal na mahal ko s'ya. Gagawin ko ang lahat para sa kan'ya, para bumalik siya sa'kin at ako ang piliin niya," naiiyak kong wika sa kan'ya.


"Anong ibig mong sabihing ikaw ang piliin niya?" saglit akong natigilan at hinarap si Clarence.


"Nakatakda na siyang ikasal sa lalaking hindi niya mahal dahil sa pagkakautang ng umampon kay Louise"


"Ang ibig mong sabihin noong kinuha ni Don Miguel si Louise kay papa tapos pinaampon din niya ito sa kinikilalang ina ni Louise, siya mismo ang magiging kabayaran?"


"Oo Clarence, namatayan ng anak ang Mama ni Louise noon. Tapos humingi siya ng tulong kay Don Miguel noon dahil ayaw niyang malaman ng asawa niya na nawala ang anak nila"


"Paano mo nalaman ang lahat ng 'yan?"


"Pinaimbestigahan ko sa kakilala ko kaya lahat-lahat ng 'yan alam ko." Hindi naman makapaniwala si Clarence sa kan'yang mga nalaman. Maging ako noon ay hindi rin ako makapaniwala at nag-isip kung paano nawalay si Louise sa kanila. 

Ibinigay ko naman sa kanila ang address ni Louise kung saan nila ito puwedeng puntahan. Gusto na nilang makita si Louise at maipaliwanag sa kan'ya ang lahat. Sa susunod na araw daw sila pupunta dahil ayaw daw nilang mabigla si Louise, dahil sinabi ko na rin sa kanila ang nangyari sa amin. Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa bahay nila. Nasa tapat lang ako ng kanilang bahay at tila hinihintay siyang lumabas. Hindi na ako nagdalawang isip pa at bumaba na ako sa aking sasakyan at pinindot ang kanilang doorbell. Wala na akong pakialam kung ipagtabuyan ako ni Louise, gusto ko na siyang makita at masabi sa kan'ya ang lahat ng gusto niyang malaman sa'kin. Nakailang doorbell pa ako ay lumabas naman si Mamu Edna.

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now