CHAPTER 48 SPG

26 0 0
                                    

"Hey Wal," tawag sa'kin ni Jake pagkapasok niya sa loob ng aking opisina. Nakasandal ako sa aking swivel chair at nakapikit.


"Why Jake? Wala ka bang pasyente ngayon?" wika ko sa kan'ya habang nanatili pa rin akong nakapikit.


"Tapos na ang duty ko ngayon Wal pauwi na rin ako. Kaya ako nandito para sabihin sa'yo na bukas na ang kasal ni Louise." Sa sinabing iyon ni Jake ay doon lamang akong nagmulat ng aking mga mata at tinitigan siya. "Ano Wal hindi mo man lang ba siya pipigilan? Wala ka na ba talagang balak kunin si Louise?" Sandali akong natahimik at napaiwas nang tingin sa kan'ya.


"Babalik na ako Amerika sa susunod na araw"


"What?! What the hell are you thinking Wal? Are you out of your fucking mind?! Mariing sigaw sa akin ni Jake.


Natawa ako ng pagak dahil ngayon lang niya ako nasigawan ng ganito, dahil palagi niya akong inaasar sa tuwing magkikita kami.


"Yes Jake, I'm out of my mind. Sabi ko noon sa sarili ko na hindi ko kayang mawala si Louise at ipaglalaban ko siya dahil alam kong mahal niya rin ako. Kaso Jake paano ko pa siya ipaglalaban kung isa sa amin ang bumitaw? Sa tingin mo ba Jake may laban pa 'ko? She agree to marry Kristoff. She doesn't let me explain. At ayaw na rin niya akong makita," maluha-luha kong wika sa kan'ya.


"Tang-ina naman Wal! Hindi ko alam na gan'yan ka na pala kadali sumuko! Bakit sa kan'ya ba mismo nanggaling na pumayag na siyang magpakasal kay Kristoff? Tinanong mo ba siya tungkol d'yan? Hindi 'di ba? Kaya paano mo malalaman kung hindi mo siya tatanungin?! Kung hindi ka kikilos tuluyan na siyang mawawala sa'yo Wallace!" pagkasabi niyang iyon ay padabog siyang lumabas sa aking opisina.


Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang aking cellphone. Pagkabukas ko nito ay bumungad sa akin ang mukha ni Louise na ginawa kong wallpaper. Kuha ito noong kuhanan ko siya ng litrato habang natutulog sa kan'yang opisina. Pinakatitigan ko ito at maya-maya ay unti-unti nang bumabagsak ang aking mga luha. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Oo, inaamin ko na hindi ko siya kayang mawala at naging duwag ako dahil hindi man lang ako gumawa ng paraan para makapagpaliwanag sa kan'ya.


Mabilis akong tumayo at lumabas ng aking opisina, pupuntahan ko si Louise sa kanila. Kinakabahan ako habang nagmamaneho ako patungo sa kanila at mahigpit ang pagkakakapit ko sa aking manibela. Pagkarating ko naman sa kanila ay saktong nakita ko si Louise palabas ng kanilang bahay, akmang bababa na ako sa aking sasakyan ngunit nakita ko naman si Kristoff na lumabas din sa kanilang bahay.


Pinapanuod ko lamang sila sa malayo at mukhang pinag-uusapan nila ang kanilang kasal bukas. Napayuko na lamang ako at napakuyom ng aking palad, huli na ako dahil tuloy na tuloy na talaga ang kasal nila.


Nang muli ko silang tignan ay ngumiti si Louise kay Kristoff at pagkuwa'y hinalikan siya nito sa kan'yang pisngi. Ang babaeng muling nagpatibok ng puso ko ay tuluyan ng nawala sa akin. Ito ay dahil sa katangahan at kaduwagan ko. Naging duwag ako noong panahong iyon na dapat ako ang gumawa nang hakbang para magkaayos kami. Pero ngayon, mukhang huli na 'ko magiging mag-asawa na sila. Wala na sila sa aking harapan pero nanatili pa rin ako roon at nakatingin sa labas ng kanilang bahay.


"Louise, honey ko, habang buhay kang mananatili sa puso ko at wala ng papalit pa sa'yo dito," garalgal kong wika sa aking sarili.


May surgery kaming dalawa ni Marco ngayon at siya ay nasa kabilang O.R lang, nauna siyang natapos at pumunta naman siya kung saan ako naroroon. Kasalukuyang nagtatahi na ako at seryosong nakatuon sa aking ginagawa nang magsalita naman siya.


"Wala ka na ba talagang balak puntahan siya?" hindi ko s'ya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa. "Ito na ang huling pabor na ibibigay ko sa'yo Wallace, kapag hindi mo pa s'ya pinuntahan pagsisisihan mo 'yan habang buhay." Doon lang ako napahinto at saglit siyang tinitigan. Mataman din siyang nakatitig sa akin at hindi ko alam kung ano ba ang ibig niyang ipahiwatig. "Shania came here and looking for you."


The Promise of Forever (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon