CHAPTER 27

12 0 0
                                    

Maaga akong umalis ng bahay dahil ngayong araw ang alis namin papuntang Quezon para sa medical mission. Hindi ko sinabi kay Kristoff kung anong oras ang alis ko dahil magpupumilit siyang ihatid ako sa ospital. Ayoko namang maabala siya sa kan'yang pagtulog dahil alas-kuwatro ng madaling araw kami aalis kaya alas-tres pa lang ay umalis na 'ko ng bahay. Dalawang bus ang nakaparada sa harap ng ospital at sasakyan namin papuntang Quezon. Binati naman ako ng ibang Nurse na nakakasalubong ko. Pasimple ko namang hinahanap si Doctor Miller pero sadyang hindi ko siya makita, siguro ay nahuli lang ito. Pag-akyat ko ng bus ay nakita ko naman na panay lalaking Nurse at Doctor ang nakasakay roon, napabuntong hininga naman ako at napakagat labi.

"Doctora dito ka sa tabi ko may bakante pa oh," sabi sa'kin ng isang medyo batang Nurse na lalaki.

"Dito na lang Doctora Alcantara mas safe ka," sabi naman ng isa.

"kayo talaga porket maganda gusto niyo ng katabi," wika naman ni manong driver.

"Ah, hindi na s-salamat, d-doon na lang ako sa kabilang bus," wika ko naman sa kanila at nagmamadaling bumaba. Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa sobrang kaba. "Bakit puro lalaki ang sakay nitong bus? Sa kabila naman puno na, no choice ba talaga ako?" Nakanguso kong saad sa aking sarili.

"Doctora Alcantara!" Napalingon naman ako sa kung sino ang tumawag sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita si Doctor Miller na nakaupo sa nguso ng kan'yang sasakyan. Nakasuot ito na kulay grey na slacks at plain white polo shirt na tinernuhan ng black leather shoes. Laglag naman ang panga ko nang makita siya sa ganoong ayos. Nakailang lunok ako at pakiramdam ko ay natuyuan ako ng laway. 

Unti-unti naman siyang lumapit sa akin. "Bakit nandito ka pa? Hindi ka pa ba sasakay?" Mahinang wika niya.

"A-ano kasi eh," huminga muna ako ng malalim saka muling nagsalita. "Puro lalaki kasi 'yong sakay ng bus. Sa kabila naman puno na," malungkot kong turan.

"Sa kotse ko hindi d'yan sa bus," napakurap-kurap ko siyang tinitigan at tinaasan siya ng kilay.

"A-ano?"

"Kanina pa kita hinihintay nandito ka lang pala"

"Hinihintay mo 'ko?"

"Let's go," nauna na siyang maglakad at sumunod naman ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at pumasok na rin ako sa loob. Napakalinis ng loob ng kotse niya at amoy na amoy ko rin ang kan'yang pabango parang ang sarap singhutin. Napaayos naman ako ng upo ng makapasok na rin siya sa loob.

"Kanina ka pa ba rito?"

"Sa opisina ko ako natulog"

"Bakit hindi ka umuwi?"

"May surgery ako kagabi kaya hindi na rin ako nag-atubiling umuwi saka isa pa inaabangan kita"

"Ha bakit?"

"Alam ko kasi na maraming gustong makatabi ka, at hindi ko gusto 'yon," bakas naman sa kan'ya ang pagkainis at pagkuwa'y tumitig sa'kin kaya napaiwas ako nang tingin. "Ako lang ang p'wede," dagdag pa niya kaya mas lalong naghurumintado itong puso ko. Pinaandar na niya ang kan'yang sasakyan at nauna na kaming umalis. Tahimik lang kaming bumabyahe at nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang aming dinaraanan.

"Nagugutom ka ba?" Napasulyap naman ako sa kan'yang bigla at siya nama'y nakatutok pa rin sa kalsada.

"Hindi pa naman"

"May pagkain akong binili kanina, nandyan sa likod baka nagugutom ka"

"Mamaya na lang. Baka ikaw nagugutom ka na?"

"Kahapon pa," nanlaki naman ang mata ko sa gulat. So, kahapon pa siya walang kain?

"Bakit hindi ka kumain?! Saka alam mo bang masama sa kalusugan ang nagpapalipas ng gutom?! Doctor ka pa naman pero hindi mo alam 'yon!" Sermon ko sa kan'ya habang masama ang titig ko sa kan'ya. Napatitig rin siya sa'kin dahil siguro sa aking tinuran. "Doctor Miller mababangga tayo ano ka ba!" Sigaw ko sa kan'ya dahil imbes sa kalsada siya nakatingin ay tumagal ang tingin niya sa'kin. "Nasaan ba 'yong mga pagkain na binili mo?"

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now