KABANATA CCCIII

144 5 1
                                    

Sobra ang naramdamang pagkabigo ni Lily sa kaniyang nanay.



Malinaw ang pangako niong hindi na maglalaro ng mahjong.



Hindi nito inakalang agad itong tatawag sa kaniyang majhong buddies.



“Shopie, pwede mo ba kong bigyan ng dalawang araw?” ngumiti si Samantha at Nagpatuloy. “Alam mo naman na ang manugang ko ay nakikitira lang sa amin kaya siyempre, wala siyang pera. Pwede mo ba akong bigyan ng dalawang araw gaya ng ginagawa natin dati?”



Napupuno ng galit si Samantha sa tuwing nababanggit ang walang kwenta nitong manugang.




Maliban sa ito ang dahilan kung bakit nasugatan ang kaniyang anak, wala rin itong maitutulong kapag nabaon siya sa utang.




Bahagyang napangiti si Sophie, malinaw na walang espasyo para sa pakikipag-away. “Tumigil ka na sa pagsasalita Samantha. Kailangang umalis ng anak mo sa ospital kung hindi ka makakabayad ngayong araw. Tatawagan ko ang pamangkin ko, sandali lang.”




Nalabas nito ang kaniyang phone at pumindot ng numero.




“Huwag please!” Uminit an gulo ni Samantha nang banggitin ni Sophie ang pamangkin dahil kasali ito sa mga sekta at usap-usapang brutal ito.



Pero nakatawag na ito. Naniniwala siyang magbabayad ang mag-ina kapag nagpakita ang kaniyang pamangkin.




Agad na nasagot ang tawag.




Malakas na nagsalita si Sophie. “Binubully ako rito! May utang sa akin ang isang babae at tumangging magbayad, Kailangan mo akong tulungan!”



Nagsalita ang isang galit na boses mula sa kabilang linya. “Ano? Sinong may utang sayo? Gusto niya bang habulin sa Donghai City? Magdadala ako ng mga tauhan ngayon, nasan ka?”



Malakas at mapagpataw ang boses nito.



“Nasa ospital ako.” Agad na sumagot si Sophie.




Tumingin it okay Samantha nang may nalulugod na ekspresyon matapos nitong ibaba ang tawag. “Maya maya lang ay nandito na siya. Bilisan niyo nang umisip ng paraan para makapagbayad sa akin, kung hindi ay yari kayo.”




Pinilit umupo ni Lily sa kaniyang higaan at kinakabahang nagmamakaawa. “Tita Sophie, dalawang milyon lang naman iyon. Please, bigyan mo kami ng ilang araw, wala talaga kaming pera ngayon. Paano kung tatlong araw? Magbabayad kami pagkatapos ng tatlong araw.”




Matagal tagal na ring magkalaro sa mahjong sina Sophie at Samantha kaya medyo may alam na si Lily tungkol kay Sophie.



Alam niyang mayroon itong pamangkin sa isang sekto at may daan daan itong tauhan!



Ngumiti si Sophie at umiling. “Hindi sa hindi ako naniniwala sayo. Hindi mo ba alam na may rules ang mahjong? Isa pa, ang nanay moa ng nag-ayang maglaro nito, hindi nalang sana niya kami rinawagan kung wala siyang pera!”




Wala nang punto ang pag uusap nila.



Sigh.



Walang masabi si Lily.



Kita ang kaba sa mukha ni Samantha. “Sophie, hindi mo kailangang gawin ito. Wala akong gaanong sinabi noong nagka-utang ka sa akin! Bakit hindi mo ako mabigyan ng ilang araw?”



Sinisingil ito sa kaniyang utang habang nasa ospital ang kaniyang anak.



Napaka malas.



Sumagot naman si Sophie. “Kinukumpara mo ba ang sarili mo sa akin? Madami akong pera! Ang Kailangan ko lang gawin ay tumawag at may magpapadala na ng pera sa akin! Eh ikaw? Umaasta kang mayaman pero sa katunayan ay mahirap ka lang!”




Hindi na napigilan ni Samantha ang sarili. Magmamakaawa n asana ito nang biglang may narinig silang mabibilis na yapak palapit.



“Sino? Sino ang may utang sa tita ko?”




Isang agresibong boses ang nagsalita bago pa man ito makapasok sa ward. Natakot at umalis ang mga nurse na nasa hallway.




Isang malaking lalaki ang pumasok sa ward, may kasama itong limang lalaki at lahat sila ay mukhang mabangis.




Ang lalaking nasa harapan ay si Caelan Lewis, ang Vice Hall Master ng Eternal Life Palace Sect. pamangkin ni Sophie.




Tumutulong kay Sophie si Caelan na ayusin ang ilang bagay bagay ilang taon na rin ang nakalipas.




Binigyang tingin ni Caelan ang buong kuwarto habang galit ang ekspresyon niyo. “Sinong may utang sa tita ko?”



Kalat ang tensyon sa loob ng ward.




Tinuro ni Sophie si Samantha. “Siya.”




Kita ang pagbabanta sa mga mata ni Caelan habang nakatitig ito kay Samantha. Lumapit ito sa kaniyang direksiyon. “Kilala mo ba kung sino ako? Gusto mo bang mapatalsik sa Donghai City?”




Nanginginig ang takot na takot na si Samantha, mahinahon itong nagsalita. “Wala lang…. wala lang skong pera sa ngayon, pwede mo ba akong bigyan ng ilang araw?”



Napansin nito ang mga tattoo at peklat na nakabalot sa mga lalaki, takas sa preso ang mga ito!



Kinakabahan rin si Lily at maingat na nagtanong. “Pwede mo ba akong bigyan ng ilang araw?




Walang pasensyang nagreact si Sophie. “Caelan, huwag mo nang aksayahin pa ang oras mo sa kanila, paalisin mo na sila dahil hindi rin naman nila ibabalik ang pera ko. Hindi nila deserve mamalagi sa ospital dahil mahirap lang sila.”




Kinaway ni Caelan ang isang kamay bilang senyales, agad na lumapit kay Lily ang mga tauhan nito.



Nag panic si Samantha at sinubukang pigilan ang mga ito. “Hindi niyo pwedeng gawin ito.”

_______________

Sorry guys tagal kong d nakapag update nasira kasi phone ko ngayon lng naging okay ulit.

Sana lang d ganun kabusy ako para tuloy tuloy na ang update ko

Thank you pa din po sa pagtangkilik at sa pag aantay niyo

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now