Prologue

14.8K 260 21
                                    

Prologue

Isang battle of the band ang magaganap ngayon. Taon-taon, ito ang parati kong inaabangan kaya nga gustong-gusto ko na umuuwi dito sa Ashralka kapag bakasyon, para masaksihan ko ang malaking event na ito.

Tuwing ikalimang buwan ng taon nagaganap ang battle of the band dito sa Sul Medra, isa sa apat na bayan dito sa probinsya ng Ashralka. Sul Medra ang pinakamalayong bayan sa Ashralka. Nasa dulong bahagi ito ng  Ashralka Province, kaya nasa anim or mahigit pa ang byahe papunta rito kung galing ka sa maynila katulad ko.

Ang battle of the band dito sa Sul Medra ang pinakamalaking event sa tuwing sasapit ang fiesta. Dito nagsisimula ang tatlong araw na pagdiriwang ng kapistahan sa bayan na'to.

Bago ako lumabas ng bahay namin ay tinignan ko muna ang sarili ko sa harap ng malaking salamin dito sa kwarto ko.

Nagsimula sa ibaba ang pag-inspeksyon ko sa aking sarili.

Nakasuot ako ng itim na highcut, puti at mahabang medyas, camouflage cargo shorts na hanggang tuhod ang haba at itim na t-shirt na fit sa akin at medyo bitin. Kapag itinaas ko ang mga kamay ko ay siguradong sisilip ang pusod at tiyan ko rito, pero eto ang uso ngayon at nakasanayan ko ng magsuot nito.

Para makumpleto ang outfit ko for today. Nagsuot ako ng itim na wrist band at choker, naglagay pa ako ng eyeliner sa ibaba ng mata ko, hindi naman masyadong makapal, slight lang. And then, I made a rock and roll sign while sticking my tongue out.

"Ano ba 'yang itsura mo, Mabel?" puna ni mommy nang mapadaan ako sa sala. Nakaupo siya sofa at nanonood ng TV, ewan ko nga kung nanonood ba talaga siya kasi may magazine pa sa hita niya.

Nagkamot ako ng ulo at napanguso at saka dahan-dahang naglakad papunta sa pinto. Binalewala ko ang mga tingin ni mommy na halatang hindi nagugustuhan ang suot ko.

"Mabel, lalabas ka ng ganyan ang suot mo?"

Huminto ako sa paglalakad at hinarap si mommy.

"Mi, eto ang uso ngayon. Punk."

"Uso-uso. Magpalit ka nga!"

"Mi, hinihintay na po ako ng mga kaibigan ko sa labas, gotta go!"

Mabilis akong tumakbo at pinihit ang doorknob at saka mabilis na binuksan ang pinto.

"Amybelle Margot Buencamino!"

Napangiwi at napangisi ako paglabas ko ng bahay dahil sa pasigaw na pagtawag niya sa buo kong pangalan.

Sa tapat ng gate namin ay nag-aabang ang dalawa sa mga kaibigan ko na may dalang one half illustration board na may nakalettering na HERA. Stands for Haydee, Eloisa, Ravina at Alice. Mga kababata ko sila rito sa Ashralka at kasali sila mamaya sa battle of the band. Sila ang pambato namin na sigurado akong magiging pambato rin ng marami, kasi magagaling sila. Practice pa nga lang nila, nararamdaman ko na ang kanilang pagkapanalo.

"Ang cool ng get up mo, huh." puna ni Faye sa suot ko. Simpleng pants at t-shirt lang kasi ang suot niya.

"Buti ka pa na-appreciate mo ang suot ko, si mommy muntik pa akong di makalabas dahil gustong palitan ko raw 'to."

"Ganoon talaga ang matatanda. Hindi makarelate sa bagong fashion trend." sabi naman ni Marilou.

"Tara na. Feeling ko, marami ng tao sa plaza ngayon, mag-aalas singko na, eh." pang-aaya ni Faye.

Walking distance lang naman ang plaza dito sa bahay namin, pati nga eskwelahan at palengke ay lalakarin lang rito. Ang mahirap lang ay kapag maulan, kasi hindi pa sementado ang daan dito.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)On viuen les histories. Descobreix ara