Kabanata 8

5.7K 150 32
                                    

Kabanata 8
Castroverde

Simula ng pumayag ako kay Genesis na sumama sa kanya this coming weekend. Hindi na niya ako kinukulit, kinakausap o nilalapitan, pero madalas nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Ngingitian naman niya ako at kung minsan ay kikindatan pa. Kahit nakatalikod ako, nararamdaman ko rin ang mga tingin niya sa akin, parang tumatagos ang mga iyon hanggang sa kaloob-looban ko.

Pagkatapos iannounce ni Genesis sa lahat, na walang sino man ang pwedeng gumalaw sa akin. Simula 'non ay parati na akong binabati ng mga kaklase ko pagpasok ko ng classroom namin. They will also invite me to have lunch with them but I always refused it. Pakiramdam ko kasi ay hindi naman bukal sa kalooban nila ang pangyayaya sa akin, para bang napipilitan lang sila na pakihalubiluhan ako dahil iyon ang gusto ni Genesis na gawin nila sa akin. They don't do it by their own will.

Samantala, madalas naman akong nakakatikim ng irap at pangrorolyo ng mga mata kay Shey at sa mga kaibigan niya. Pero hindi ko na lang pinapansin 'yon. Ateast hanggang doon na lang ang kaya nilang gawin ngayon. They can't hurt me because I know they're afraid of Genesis.



"Class, hahatiin ko kayo sa apat na grupo para sa darating na foundation day next month. Gusto ko na by the end of this month ay magpapasa kayo sa akin ng proposal para sa gagawin niyong booth."

Nagtaas ako ng kamay para magtanong.

"Yes, Ms. Buencamino?"

"Ma'am, ilang members po sa isang grupo?"

"Twenty eight kayong lahat kaya seven members by group. Kung gusto niyo...kayo na lang ang mamili ng kagrupo niyo para mas komportable niyong magawa ang project na gagawin niyo."

"Ma'am!"

Napalingon ako kay Genesis na malapad ang ngiting nakataas ang kamay.

"Yes, Mr. Castroverde?"

"Magvo-volunteer po akong leader."

Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay ni ma'am Logro na para bang hindi siya makapaniwala na nag-volunteer si Genesis na maging leader.

"Uhm, sige. Kailangan ko pa ng tatlong leaders para alam ko kung sino ang mga kakausapin ko about sa update ng project niyo. Sino pa ba ang mga mag vo-volunteer?"

"Psst! Amybelle."

Narinig ko ang paulit-ulit na pagsitsit ni Genesis at pagtawag ng pangalan ko mula sa likuran, pero hindi ko siya pinansin. Umakto akong hindi ko siya naririnig. Hanggang sa maramdaman kong kinakalabit niya na ako.

Nakakairita ang ginagawa niya kaya nilingon ko na siya, pero ikinagulat ko nang halos magkadikit na ang mukha namin sa lapit ng mukha niya sa akin.

Lumiyad ako para ilayo ang mukha ko sa kanya.

"Ano?" naiirita kong tanong.

"Pwede ka bang sumali sa grupo namin? Please."

Parang gusto ko na ayaw ko ang ideyang 'yon. Nagtatalo ang isip at puso ko but in the end. Hindi ko sinagot si Genesis.

Muli akong humarap sa unahan at itinaas ang kaliwa kong kamay. Nakita ako ni ma'am Logro at pinatayo.

"Magvo-volunteer din po akong leader."

I didn't want to be a leader. Kahit minsan hindi ko ginawang mag leader noon. Pero ginawa ko 'to ngayon dahil mataas ang pride ko. Ayokong maging kamember si Genesis, ayokong maging leader siya at higit sa lahat, ayokong mapalapit sa kanya.
For me, Genesis will always be my opponent and I don't want to be friends with the enemy.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now