Kabanata 19

4.5K 132 17
                                    

Kabanata 19
Ang sarap sa pakiramdam

"W-What are you doing here?" Nauutal na tanong ni Genesis sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Napapansin ko pa nga na panay ang hila niya sa laylayan ng suot niyang crop top.

Napanguso naman ako at bahagyang napayuko.

"D-Dinadalaw ka. Ayaw mo ba? Busy ka?"

"No. No. No. I'm just taking a rest. I just couldn't believe that you're here."

Bahagyang gumuhit ang ngiti sa labi ni Genesis at ibinaba ang gitara niya.

"Nakaistorbo y-yata ako?"

"No you're not. Nagpapalipas oras lang naman ako. Masyado kasing boring kung nakahiga lang ako parati sa kama."

Lalong lumakas ang pintig ng puso ko nang maglakad palapit sa akin si Genesis. Kinagat ko ang ibaba kong labi habang nakatingin ako sa crop top niya na hindi na niya hinihila ang laylayan.

May lalaki pala talagang nagsusuot nito at ang nakakatuwa pa, hindi iyon masagwa kay Genesis. Bagay na bagay ito sa kanya. He look so sexy.

I shake my head a little to clear my thoughts.

"Thanks for coming here today."

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang namamaos na boses ni Genesis. Hindi ko halos namalayan na nasa tabi ko na pala siya.

"Uhm...I'm here to give you this."

Natataranta kong tinanggal ang backpack ko sa likod at kinuha ang dalawa kong notebook.

"Here." inabot ko sa kanya ang mga iyon. "Kumpleto ako ng notes. You can copy it para may maisagot ka kasi magkakaroon tayo ng long quiz next week."

"Salamat." kinuha niya ang notebook ko at nginitian niya ako ulit. "By the way, what do you want to eat?" tanong niya sa akin.

"Huh? Ah...eh...wag na. Salamat na lang."

"No. You're a visitor. Teka lang, dyan ka lang, upo ka muna roon."

Itinuro ni Genesis ang itim at L-shaped sofa di kalayuan sa kinatatayuan namin at saka siya nagmamadaling lumabas ng studio.

Sinubukan ko pang pigilan si Genesis pero hindi siya nagpapigil.

Dahil ako lang ang naiwan dito sa loob ng studio. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuohan nito.

Kulay abo ang pader ng buong silid, may dalawang speaker na nakakabit sa itaas at may dalawa naman sa ibaba, carpeted ang sahig at kumpleto sa musical instrument. Nasa gitna ang isang yamaha drum set, sa left side naman ang keyboard piano at sa right side ay naroon ang dalawang gitara, may electric at may acoustic guitar, may bongos drum din pala roon kung saan nakasandal ang ginamit na electric guitar ni Genesis kanina.

Kapansin-pansin ang poster ng ibat-ibang banda na nakadikit sa pader. Poster ng Ehead, Parokya, Rivermaya, Simple plan, Linkin Park, Switchfoot at marami pang iba.

May itim at L-shape sofa naman sa gilid na nakaharap sa mga instrument. Malinis ang studio dahil wala itong masyadong gamit.

"O, bakit nakatayo ka lang dyan, Mabel?"

Napalingon ako sa bagong dating na si Genesis. May dala siyang silver tray na may lamang dalawang platito na may custard cake at dalawang baso na hindi ko alam ang laman.

Inilapag niya ang tray sa table na nasa harap ng L shape sofa at saka niya ako nilapitan at hinila paupo sa sofa.

"Eat." ani Genesis, pag-upo ko.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon