Kabanata 18

4.4K 126 13
                                    

Kabanata 18
Crop top

Kakaiba ang araw na'to. Pakiramdam ko, bagot na bagot ako ngayon. Siguro dahil walang nangungulit sa akin o wala akong maramdamang mga matang nakatingin sa akin. Hindi kasi pumasok si Genesis ngayon, and I don't know why. Kahit mga kaibigan niya ay hindi alam ang rason kung bakit hindi siya pumasok ngayon. Ako pa nga ang pinagtatanungan nila.

Ganito pala ang araw kapag wala si Genesis. Kulang. Kapag nandyan naman siya at kinukulit ako, naiinis ako sa kanya. Kapag tinititigan niya ako ay naiilang naman ako. Pero kapag wala pala siya, namimiss ko ang mga ginagawa niya. Hinahanap-hanap ko ang presensya niya.

Well, nasaan man siya ngayon at ano man ang ginagawa niya. Sana lang worth it 'yon para hindi siya pumasok.

"What a coincidence. Pareho silang absent ni Shey ngayon. Baka naman nag-date yung dalawa." malakas na sabi ni Jia at saka siya tumawa ng malakas na para bang sila lang ng mga kaibigan niya ang tao rito sa canteen.

"Psh. Nagdate raw. Eh, paano naman mangyayari 'yon? Ikaw lang naman ang nililigawan ni Genesis. Ikaw dapat ang ididate niya." ani Faye.

Pinanlakihan ko ng mga mata ko si Faye at inilagay sa labi ko ang aking hintuturo. Ayoko kasing nababanggit ang tungkol sa panliligaw ni Genesis sa akin.

"Theory lang naman nila 'yan. Coincidence nga lang, diba?" sabi ko naman.

"Bagay na bagay pa naman si Genesis at Shey. They look perfect together. Kung hindi lang dumating 'yong manileña nating kaklase na may baon yatang gayuma, hindi siguro mapapalayo ang loob ni Genesis kay Shey." sabi naman ni Camille na alam kong sinasadya niyang iparinig sa akin ang usapan nila dahil ang lakas niyang magsalita.

"Maarte na, malandi pa. Kala mo naman kung sinong pagkaganda-ganda." dagdag pa ni Jia na umiirap-irap at nahahagip kong tumatama sa akin ang kanyang mga mata.

Naikuyom ko ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa at nag-igting din ang aking mga panga. Unti-unting nabubuhay ang galit sa dibdib ko at kung wala lang si Faye ngayon na umiiling na nakatingin sa akin, baka kanina pa ako sumabog at kinakalbo ko na ngayon ang dalawang nasa kabilang mesa.

"Tara na nga, Mabel." yaya ni Faye sa akin.

Ayoko pa sanang tumayo sa kinauupuan ko pero kinuha niya ang kamay ko at hinila ako patayo sa kinauupuan ko kaya napilitan na akong tumayo.

Pero sa paglalakad ko palabas ng canteen. Nilingon ko si Camille at Jia at saka matalim na tinignan ko silang dalawa.

May araw din sa akin ang mga babaeng 'to.

"Ano, okay ka na ba? Kung wala siguro ako kanina baka sinugod mo na ang dalawang 'yon." ani Faye nang makarating kami sa gilid ng quadrangle kung saan nagkalat ang mga wooden bench.

"Buti na lang talaga at nandoon ka dahil baka kinalbo ko na ang dalawang 'yon kung di ako nakapagpigil. Namumuro na sa'kin ang mga 'yon, e."

"Kung nangyari 'yon. Siguradong magaguidance ka naman."

"I don't care. Atleast, tinuruan ko sila ng leksyon."

"Wag mo na lang pansinin ang mga 'yon. They're just insecure. Kasi kahit na bago ka pa lang dito. Nakuha mo na ang atensyon ni Genesis. If I know, type rin nilang dalawa si Genesis, eh. Kunwari lang ang mga 'yon na gusto nila si Genesis for Shey kasi siya ang campus queen at walang pwedeng pumalag sa kanya, but the truth is they also like him. Halata naman kung tignan nila si Genesis."

"Konting-konti na lang talaga papatulan ko na ang mga babaeng 'yon."

"Hayaan mo na lang. Magulo lang pagpinatulan mo sila."

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon