Kabanata 32

4.3K 104 11
                                    

Kabanata 32
Paano kung...

"Amybelle, hindi ka pa ba tapos dyan? Sabi ko naman kasi sa'yo at ayusin mo na ang mga gamit mo." panenermon ni mommy sa akin sa labas.

Okay naman na talaga ang mga gamit ko kagabi pa. Hindi ko lang talaga matanggihan si Genesis.

Sa tuwing hahalikan niya ako sa labi ay parang gusto ko ng ipaubaya ang sarili ko sa kanya.

Itinulak ko na si Genesis. "Tama na 'to. Baka sa sobrang pagkainip ni mommy ay akyatin na niya tayo rito." paliwanag ko kay Genesis.

Umalis ako mula sa pagkakasandal ko sa akin ni Genesis sa pinto at kumuha ako ng tissue at saka lumapit ako kay Genesis para punasan ang lipstick ko na nag transfer sa mapupula at manipis niyang labi. Ngingiti-ngiti naman niyang ibinutones ang blouse ko na binuksan niya kanina.

We always make out, para mabawasan yung sexual tension na nararamdaman namin sa isat-isa kapag magkasama kami. Hindi naman kasi pwedeng parati na lang may nangyayari sa amin ni Genesis.

Mahirap na at baka mabuntis niya pa ako. Hindi pa kami handang pareho sa mabigat na responsibidad na nakaatas doon.

"Sige na, dalhin mo na 'yan." itinuro ko sa kanya ang maliit kong maleta.

Kinuha naman agad niya iyon. "Let's go, boss." yaya niya pa sa akin.

"Teka, mag reretouch lang ako. Mauna ka na."

"Alright."

Pagbaba ko ay nakita ko si Genesis na masayang nakikipagkwentuhan kay mommy at kay ate Silvia. Nakaakbay ang isa niyang kamay kay ate Silvia at ang isa naman ay nasa tyan niya mismo dahil parang mamamatay na siya sa katatawa.

"O, mamamatay ka na dyan kakatawa, huh?"

Napatingin sila sa akin. Si Genesis naman ay pigil na ang pagtawa.

"Eto kasing si Genesis, niloloko ang ate Silvia mo." ani mommy.

"Ganyan ko kamahal si ate Silvia."

Nanggigigil na niyakap ni Genesis si ate Silvia at hinalikan ito sa tuktok ng ulo. Ganyan siya kapag naglalambing.

"Ang tagal mo naman kasing bumaba." naiinip na sabi ni mommy.

Malapad ko naman siyang nginitian at niyakap para lambingin.

"Halika na nga. Silvia, ikaw na muna ang bahala sa bahay, huh?"

"Sige po, ate."

Dahil alas-singko pa lang ng umaga ay gising na si mommy. Wala siyang ibang ginawa kung di ang matulog ng matulog sa byahe. Gigising lang siya kapag hihinto kami para kumain o gumamit ng banyo, pagkatapos ay matutulog siya ulit.

Kami naman ni Genesis ay hindi maubos-ubos ang kwentuhan. Napakarandom namin mag-usap, we're just talking about anime and then all of the sudden, bubuksan niya yung topic about alien at mapupunta na kami sa kung saan-saan.

Nagsasalitan din kami sa paglalaro ng psp. Nagkakadayaan pa kami minsan kasi kapag turn na dapat ni Genesis ay hindi ko agad ibibigay sa kanya kasi gusto ko pa ulit maglaro.

"Madaya ka talaga. It's my turn." reklamo niya habang nakahilig ako sa balikat niya.

"Last na. Pag na dead ako, ikaw na talaga."

"Kanina pa kaya 'yang last mo."

Nginitian ko lang siya at kinurot naman niya ang pisngi ko.

Isa sa mga nagustuhan ko kay Genesis ay hindi siya nakikipagmatigasan sa akin. Parati niya akong iniintindi, nasasakyan niya ang ugali ko.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon