Kabanata 5

5.6K 162 16
                                    

Kabanata 5
Panindigan

"Mabel, dahan-dahan. Abutin mo ang kamay ko."

Habang nakahawak si Faye sa katawan ng isang puno. Inabot niya sa akin ang kamay niya para makaakyat ako sa matarik at maputik na bahagi ng daang tinatahak namin, papunta sa sinasabi nilang hotspring.

Malambot at basa ang lupa rito dahil kagabi pa panay ang ulan. Nahihirapan tuloy kaming umakyat. Madulas pa nga dahil nakatsinelas ako. Wala naman kasi sa isip ko na ganitong daan pala ang tatahakin namin. Kung alam ko lang ay nag rubbershoes sana ako na madalas kong ginagamit kapag P.E namin sa school.

Mabuti nalang talaga at umaraw na ulit at uminit na naman ang panahon.

"Mabel, mabuti pa siguro kung magpaa ka na." suggestion ni Haydee na nasa likod ko.

Maypag-aalinlangan man ay hinubad ko ang tsinelas kong puro na putik. Wala akong plano na hubarin iyon dahil ayoko talagang mag-apak sa putik, kakapamanicure ko lang kasi. Kaya lang ay wala na akong choice at saka baka kung ano pang sabihin ng mga kaibigan ko kung hindi ako magtatapak, lahat kasi sila ay nakatapak na.

Pagkahubad ko ng tsinelas ko ay kinuha ito ni Marilou, siya na raw ang maghahawak para hindi ako mahirapan. Dala ko rin kasi ang gitara kong nakasukbit naman sa likod ko.

Bago ko inabot ang kamay ni Faye. Itiniklop ko muna ang laylayan ng jumper ko dahil medyo maputik na rin ang laylayan nito.

"Ang hirap naman palang pumunta sa hotspring na sinasabi niyo."

"Worth it naman ang lahat ng hirap kapag nakarating na tayo roon, Mabel. Hindi lang naman hotspring ang makikita mo roon, meron pang waterfalls. Bonus nga lang 'yong hotspring kasi ang dinarayo talaga roon ay ang Cambugahay falls." Paliwanag ni Haydee habang naglalakad kami sa trail.

"Maraming beses na ba kayong nakaligo roon?" tanong ko pa sa mga kaibigan ko.

"Ako mga three times na. Pang four times ngayon" sagot ni Marilou.

"Ako naman...pang tatlong beses ko pa lang ngayon." sagot naman ni Eloisa.

"Me too." si Ravina.

"Ako rin." ani Haydee.

"How 'bout you, Faye?" tanong ko rito na mukhang alam na alam na ang daan. Siya kasi ang parating nauuna sa amin at saka alam niya kung saang part ang delikadong tapakan o daanan.

"Pang six times na ngayon." Nakangising sagot niya.

Kaya naman pala.

"Marami bang nagpupunta roon?"

"Kapag may pasok na at weekdays. Kaunti lang ang nandoon, pero kapag weekend lalo na ngayong bakasyon, for sure...maraming tao roon. Pero malawak naman ang hot spring lagoon doon, there's a plenty of place for us." Faye said between her smile.


We've been trekking for fifteen minutes until we've reached a river and while we were passing by, I can already hear the loud sound from the waterfalls indicating that we're getting close to it.

"Malapit na tayo! Konti na lang, guys." Faye said.

She was like a tour guide. Habang naglalakad kasi kami ay panay din ang kwento niya tungkol sa Cambugahay falls. Siguro para hindi kami mainip at hindi namin gaanong maramdaman ang pagod.

Ilang hakbang pa ay natanaw na namin ang Cambugahay falls and it was breathtaking. My jaw almost drop.

Hindi ganoon kataas ang Cambugahay falls. Ang buong akala ko ay katulad ito ng mga ilang waterfalls na napuntahan ko na, pero hindi naman ako nadisappoint dito kasi kamangha-mangha din ang ganda ng mint green water na meron ang Cambugahay falls. Napapalibutan pa nga ng mga puno at halaman ang buong paligid.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now