Kabanata 10

5.7K 140 16
                                    

Happy new year readers.

Kabanata 10
Rancho

Madilim na nang makabalik kami ni Genesis sa bahay nila.

"Amybelle, dito ka na maghapunan." yaya ni tita Nimfa.

Ready na akong umuwi, nakasukbit na nga sa likod ko ang aking bag. Kanina ko pa talaga gustong umuwi dahil kanina pa mabigat ang pakiramdam ko, kanina pa ako nahihirapang huminga. Para bang may kung anong nakaharang sa dibdib ko. Hindi naman masama ang pakiramdam ko, hindi lang talaga ako kumportable rito.

Bukod sa nahihiya ako, naiilang ako na kasama si Genesis. Parati na lang pumipintig ng mabilis ang puso ko, lalo na kapag sobrang lapit niya sa akin.

"Hindi na po. Nagpaalam po kasi ako sa yaya ko na hindi ako magpapagabi. Kaya lang ay ginabi na nga ako. Siguradong nag-aalala na po siya ngayon." tanggi ko.

"May telepono kayo sa bahay?"

"M-Meron po."

"Ayun naman pala. Tawagan mo na lang ang parents mo para hindi sila mag-alala sa'yo. Kung gusto mo, sasama pa ako na maghatid sa'yo mamaya at ako na ang magpapaliwanag sa kanila kung bakit late ka na nakauwi."

"Ah...ano po kasi..."

Sobra na ang inooffer ni tita Nimfa just to convince me na rito na kumain sa kanila. Nakakahiya namang tumanggi pa.

Tinignan ko si Genesis. Ilang hakbang ang layo niya sa akin at nakapamulsa ang mga kamay niya.

Nang maramdaman niya yata ang mga tingin ko sa kanya ay lumingon siya sa akin at nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo.

"Pumayag ka na, Amybelle. Minsan lang naman 'to." pangungumbinsi niya rin sa akin.

Dalawa na silang kumukumbinsi sa akin kaya hindi na talaga ako nakatanggi.

"S-Sige na nga."

Natutuwang tinawag ni tita Nimfa ang isa sa mga katulong nila at ipinag-utos na ihanda na ang hapunan namin.

Dahil inihahanda pa naman ang hapagkainan. Tinawagan ko muna si Silvia para ipaalam na narito pa rin ako kanila Genesis. Si Genesis naman ay inutusan saglit ni tita Nimfa.

"Diyos ko! Mabuti na lang talaga at tumawag ka. Magpapasama na sana ako kay Faye para sunduin ka dyan sa hacienda, e." ani ate Silvia pagkatapos niyang mapabuntong hininga.

I feel sorry that I made her worry.

"Napasarap lang kasi kami ni Genesis sa pagsusungka. Hindi namin namalayan na madilim na pala. Siya nga pala, tinawagan mo ba si mommy?"

"Oo kanina."

"Anong sabi niya?"

"Wala naman. Nangamusta lang siya sa atin, tapos tinanong niya rin kung pasaway ka ba sa akin."

"Syempre, sinabi mong hindi. Diba?" Napapangiti kong sabi kay ate Silvia na nasa kabilang linya.

"Oo. Pero sana lang, wag ka ng gagabihin ulit ng uwi. Wag mo naman akong pinakakaba, Mabel. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sa'yong hindi maganda. Malaki ang tiwala ng mama mo sa'kin at ayokong masira 'yon."

"Sorry talaga, ate Silvia."

"Amybelle, tara na sa komedor." yaya ni tita Nimfa sa akin.

Tinakpan ko muna ang mouthpiece ng telepono bago ako tumugon sa kanya. "Sige po, tita. Susunod na po ako."

"Mabel, sumunod ka agad." sabi naman ni Genesis na nakasunod kay tita.

Tumango lang ako sa kanya at inginuso sa kanya na sumunod na siya sa mama niya.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon