Kabanata 9

5.4K 153 21
                                    

Kabanata 9
Pasyal


"Finish!"

Kunot ang noo kong nilingon si Genesis na inilalagay na sa loob ng bag niya ang kanyang mga gamit.

Tapos na siya? Ang hirap kaya ng equation na sinasagutan namin.

Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko. Mag aalas-dos pa lang at wala pang thirty minutes nang simulan naming gumawa ng assignment.

Sa Math lang naman kami may assignment at sampung equation ang kailangan naming sagutan.
Pang number-six pa lang ang sinasagutan ko, dahil hirap talaga ako pagdating sa math, pero si Genesis, tapos na agad?

"Tapos ka na talaga? Patingin nga ng assignment mo." Sabi ko sa kanya. Ayoko kasi talagang maniwala.

"Wala ka talagang bilib sa akin. tsk, tsk."

Umiiling-iling na kinuha ni Genesis sa bag niya ang notebook niya at inabot niya ito sa akin.

Kinuha ko naman iyon sa kanya at agad na tinignan ko ang solution, answer at checking niya sa one to five na problem. Iyon pa lang kasi ang nasasagutan ko. Hindi ganoon kaganda ang hand writing ni Genesis pero naiintindihan naman.

Sa huli ay naniwala na rin ako sa sagot ni Genesis. Iyong number one to five kasi namin ay same lang kami ng answer, nagkaiba lang sa solution at checking. Mas complicated pa nga ang checking at solution niya.

Nang muli kong nilingon si Genesis, nakita kong tinanggal niya ang tali ng kanyang buhok na hindi lalampas sa balikat. Inayos lang naman niya ang pagkakapusod ng buhok niya dahil may mga nakawalang hibla ng buhok niya ang tumatakip sa kanyang mga mata.

Pagkatapos magtali ulit ni Genesis ng buhok niya ay hindi ko inaasahan na titingin siya sa akin na para bang tinatanong niya kung okay lang ba ang pagkakatali niya.

"Why are you looking at me like that?" tanong niya sa akin.

"Siguro may kinopyahan ka no?"

Umangat ang isang sulok ng kanyang labi. "Hindi naman sa pagyayabang pero ako yata ang kinokopyahan. Hindi ako ang nangongopya."

I rolled my eyes. "Sige nga, ipaliwanag mo sa'kin 'tong solution sa number five."

"Okay. Sabi mo, e."

Inusod ni Genesis ang upuan niya. Idinikit niya ito sa upuan ko. Pagkatapos niyang gawin 'yon ay ipinatong niya ang isa niyang braso sa tuktok ng sandalan ng kinauupuan ko at bahagya siyang yumuko palapit sa akin.

"So, we have 3x−6≤9. Remove the absolute value term. Ang mangyayari dyan, mag ki-create ng + sa right side ng equation blah blah blah..."

Ang seryoso masyado ni Genesis habang ipinapaliwanag niya ang solution niya. The way he explain it, walang duda na alam na alam nga niya ang sinasabi niya.

"Amybelle, did you get it?"

"Huh?"

Kumunot ang noo ni Genesis habang nakatingin siya sa akin.

Ang bilis naman kasi niyang magpaliwanag. Hindi ko nga namalayan kanina na tapos na pala siya.

"Ano, pasado na ba ang explanation ko?" Tanong pa ni Genesis habang nakangiti siya. Unti-unti ko tuloy nararamdaman ang pag-iinit ng pisngi ko.

"P-Pwede na."

"Talaga?" Umangat ang isang sulok ng kanyang labi.

Ayan na naman ang ngiti niyang patagilid. Mas lalo ko tuloy nararamdaman ang pag-iinit ng pisngi ko.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now