Kabanata 20

5.3K 132 27
                                    

Kabanata 20
Basketball

Pagbukas ko ng locker ko ay nagulat ako nang may makita akong pulang envelope sa loob nito.

Wala naman akong matandaang may nilagay akong envelope dito kaya ang ibig sabihin ay may nagbukas ng locker ko.

Pero imbes na matakot ako. Hindi iyon ang naramdaman ko. Bigla akong nakaramdam ng kilig. Hindi ko pa man nababasa at nahahawakan ang letter ay ramdam ko na ang lumulundag kong puso dahil may ideya na ako kung kanino ito nanggaling. Kay Genesis.

Tatlong buwan na rin nang magsimulang manligaw sa akin si Genesis. Ito ang unang beses na may nanligaw sa akin, kaya hindi ko alam kung paano ko ieentertain si Genesis, basta tanggap na lang ako ng tanggap sa mga ibinibigay niya at susuklian iyon ng thank you.

Alam na rin ng mga kaklase ko ang tungkol sa panliligaw ni Genesis sa akin kaya mas lalo din uminit ang dugo sa akin ng grupo ni Shey. Hindi lang talaga ako kayang galawin ng mga 'yon dahil takot sila kay Genesis.

Si Genesis 'yong  tipo ng manliligaw na napaka territorial. Nanliligaw palang siya pero parang kanyang-kanya na ako.

Napapansin ko 'yon kapag naglalakad kami sa hallway at may makakasalubong kaming mga lalaking schoolmates namin. Sinasamaan sila ng tingin ni Genesis na para bang puno ng pagbabanta ang mga titig niya sa mga ito. Ang mga kaclose ko nga na sina Anthony ay hindi ko na rin gaanong makakabatian dahil pati sila ay sinisindak ni Genesis.

Kapag lunch naman ay parati kaming magkasabay ni Genesis na kumain sa canteen, kasama ang mga kaibigan niya at si Faye. Siya pa nga ang nagbabayad ng pagkain ko at kapag nabubuyo naman siya ay binabayaran na niya pati pagkain ni Faye at ng mga kaibigan niya.

Minsan pag nauunang pumasok sa akin si Genesis ay hinihintay niya ako sa tambayan nila malapit sa gate at pag nakita niya na ako roon ay sasabayan niya akong maglakad papunta sa classroom, habang dala-dala niya ang backpack ko, pero minsan naman ay hindi ko iyon pinadadala sa kanya. Naiilang kasi ako sa mga kaeskwela namin na para kaming pinag tsitsismisan kapag tumitingin.

"Uy, may love letter siya."

Buyo sa akin ng kaklase kong si Raiza, nang kunin ko na ang envelope na pula.

"For sure, galing yan kay Genesis." sabi pa niya.

Walang design ang envelope pero may nakataling ribbon dito at nang tanggalin ko 'yon at buksan ay agad na humalimuyak ang mabangong papel sa loob 'non.

Dahil P.E class namin ngayon at kailangan ko pang magpalit ng P.E uniform. Agad ko ng binasa ang mabango at puting papel na dalawang beses itiniklop.

Dear: Mabel,

    Matagal ko ng gustong bigyan ka nito. Nahihiya lang ako at hindi makahanap ng tyempo. Pero ngayon, buong-buo na ang loob ko. Katakot-takot na asar yata ang inabot ko sa mga kaibigan ko habang ginagawa ko 'to. But I don't care, basta para sa'yo.

    Nasabi ko na yata sa'yo ang lahat ng gusto kong sabihin kaya hindi ko na alam kung ano pa bang ilalagay ko sa love letter na'to. Gusto ko lang talaga siyang itry. Kasi gusto ko na sa pagdating ng panahon, may maikukwento ka sa mga magiging anak natin na minsan din naman kitang binigyan ng love letter. Hahaha!

    Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nagsusulat para sa taong mahal niya no? Kung gusto lagi na kitang susulatan maramdaman mo lang na seryoso talaga ako sa'yo.

   Mabel, ang cute mo kapag nakasuot ka ng jumper. Ang sarap mong yakapin, buhatin at iuwi sa bahay namin. Pinatitibok mo ng napakabilis ang puso ko kapag tatawagin mo ang pangalan ko. Akala ko musika lang ang kaya kong mahalin at pagtuunan ng pansin, pero ng dumating ka. Parang gusto kong ilaan na lang lahat ng oras ko sa'yo. I love you, Amybelle Margot Alejo Buencamino. Ikaw lang at wala ng iba.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ