Kabanata 11

5.1K 139 11
                                    

Kabanata 11
Booth

"That's right, Mabel. Tama lang ang ginagawa mo. Keep going." ani Genesis na pumapalakpak habang nakasunod siya sa amin ni Atlas na dahan-dahang naglalakad.

Hindi mahirap sakyan si Atlas. Ayon nga kay Genesis ay ito ang pinakamaamo nilang kabayo. At dahil ilang beses na rin naman na akong nakakasakay kay Atlas ay mukhang nakilala na rin niya ang presensya ko, kaya sumusunod siya agad sa akin.

"I think I can handle him now." pasigaw kong sabi kay Genesis.

"Are you sure?"

Parang may kiliting gumapang sa buong katawan ko nang makita ko sa mukha ni Genesis ang pag-aalala.

"Oo. Kaya ko na'to."

"Wag kang masyadong lalayo."

Nginitian ko siya at tinanguan at saka unti-unti kong pinabilis ang takbo ni Atlas.

"Whoa!!"

Hindi ko mapigil ang sarili ko sa paghiyaw nang tuluyan ng bumilis ang takbo ni Atlas sa malawak na parang dito sa burol.

Pakiramdam ko ay ang galing-galing ko dahil nakaya ko agad siyang patakbuhin kahit na ito ang unang beses na sinakyan ko siya ng ako lang.

Sumasalubong sa mukha ko ang malakas na hangin sa bilis ng takbo ni Atlas. Nang lumingon ako sa likuran ko ay halos hindi ko na makita si Genesis sa layo namin sa kanya.

Saglit kong pinahinto si Atlas sa pagtakbo nang nasa dulo na kami ng burol. Dinig na dinig ang ihip ng hangin sa lakas nito.

Ipinikit ko ang mga mata ko at napasinghap at saka ako tumingala sa bughaw na langit.

Ito ang rason kung bakit gusto ko rito. Kahit saan dumapo ang paningin ko, nakakakita ako ng totoong ganda na nagpaparamdam sa akin na masarap mabuhay at maswerte ako dahil nakatungtong ako sa mundo.

Pagkatapos kong tanawin ang paligid ay muli kong pinatakbo ng mabilis si Atlas, pabalik sa pinanggalingan namin.

Malayo pa lang kami kay Genesis ay nakikita ko na siyang kumakaway. Noong una ay isang kamay lang ang kinakaway niya, hanggang sa magdalawa na 'yon. Pasalubong niyang ikinakaway iyon.

I don't know what does that mean, pero palagay ko ay sumesenyas lang siya, para sa kanya mismo huminto si Atlas.

Habang papalapit kami ng papalapit sa kinaroroonan ni Genesis. Napansin ko ang mga tupa na nasa labas ng kulungan. Nakawala ang mga ito at nagkalat ang mga 'yon, pero may dadaanan naman sa gitna.

Hindi sila masasagasaan ni Atlas.

Tumigil na si Genesis sa pagkaway pero hinahawi naman niya ang mga tupa ngayon.

"Mabel, paatrasin mo si Atlas!" sigaw niya.

"Bakit?"

Malutong at malakas na mura ang lumabas sa bibig ni Genesis nang biglang may dumaang tupa sa dadaanan namin ni Atlas.

Umungol ng malakas si Atlas na umalingawngaw sa buong paligid. At hindi ko pa man hinihila ang rein ay bigla na lang nitong itinaas ang dalawa nitong paa sa unahan at saka umangat ang kanyang buong katawan.

Napatili ako at narinig ko naman ang pasigaw na pagtawag ni Genesis sa pangalan ko.

Napatihaya ako at napabitaw sa rein ni Atlas. Muli kong napagmasdan ang asul na kalangitan. Ang gaan ng pakiramdam ko, pero takot ang lumukob sa damdamin ko.

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hinintay kong maramdaman ang pagbagsak ko sa matigas na sahig.

Pero hindi nangyari ang inaasahan kong 'yon.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now