Kabanata 4

5.5K 149 168
                                    

Kabanata 4
Sul Medra

Pagkatapos ng sagala ay nagtungo naman kami ng mga kaibigan ko sa plaza. Sa plaza ay naroon ang isang covered court kung saan may nagaganap na sayawan. Noon pa pala may sayawan na nagaganap kapag fiesta rito, pero ito ang unang beses na pinapayagan ang mga teenagers na sumali rito.

My friends are so excited, unlike me and I don't know why.

Kanina namang umaga ay excited pa ako, pero nang makita ko si Genesis, hindi na siya nawala sa isip ko. How he stares at me and how he gave me a silly smile. Pakiramdam ko ay gusto ko pa siyang makita.

But no! Hindi ko hahayaang guluhin niya ang isipan ko. Hindi ko hahayaang lumaki ang kakaibang damdaming nararamdaman ko sa kanya. He is my enemy. Kung magpapadala ako sa damdamin ko, matatalo ako. Hindi ako pwedeng ma-fall sa lalaking 'yon.

"Mabel, okay ka lang?"

"Huh?"

"Bakit ang tahimik mo? May problema ba?"

Hilaw kong nginitian si Faye. "W-Wala."

"Are you sure?" paniniyak niya.

"Oo naman." Muli ko siyang nginitian.

Sa plaza ay maraming tindang pagkain. Mga pastry at streetfoods. Marami rin nagtitinda ng mga keychains at kung anu-ano pang accessories.

Hindi pa man kami nakakarating ng covered court ay dumadagundong na mula rito sa labas ang malakas at nakakaindak na musika. It's an old music na kay mommy ko lang napapakinggan noon na pinatutugtog niya at sinasabayan niya pang kantahin while she's dancing.

"Tonight it's hard to stay on my own I feel like taking a wall I can stand the tricks that you play on me."

It's so catchy and even if it's old...I like it.

"The time you first took a seat by me you looked to me as you were a dream.. and suddenly I made up my mind, oh."

Nang tuluyan na kaming makarating sa covered court ay sinalubong kami ng malilikot at makukulay na ilaw na tila sinasabayan ang musika.

"Never mind her, never mind her, never mind we'll sweep the night away, never mind her, never mind her, never mind we'll sweep the night away."

"Tara doon tayo sa bleachers." yaya ni Haydee.

Hinila naman ni Faye ang kamay ko.

Malaki ang court nila rito sa plaza at may bleachers sa magkabilang gilid na may tig-tatatlong row.

"Ayun! Doon tayo sa itaas, walang nakapwesto." yaya ni Marilou habang nakaturo siya sa itaas.

Hinila na ako ni Faye at nakipaggitgitan kami sa ilang mga nakaharang na sumasayaw bago kami nakarating sa left side bleachers sa may pinakataas.

"So, uupo lang pala tayo rito?" tanong ni Eloisa.

"Syempre sasayaw tayo, pero maya-maya na." sagot ni Ravina.

Mula rito sa taas ay kitang-kita ang lahat. Ang dami kong nakikitang mga kaedad namin na nagdadatingan pa lang dito, grupo-grupo pa nga sila. Todo bigay din ang mga sumasayaw sa gitna, mukhang enjoy na enjoy talaga sila sa tugtugan kahit na mga luma na iyon.

"Marilou! Si Domeng 'yon, diba? Tignan mo at kasama ang mga kaibigan niya." ani Haydee habang itinuturo ang direksyon kung saan naroon ang binabanggit niya.

Si Domeng na sa pagkakaalam ko ay kababata raw ni Marilou at childhood crush niya rin. Domingo ang totoong pangalan 'non.

"Hanggang kailan ba tayo uupo rito?" tanong ni Eloisa na kanina pa yata gustong sumayaw.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now