Kabanata 48

4.5K 145 15
                                    

A/N: Syempre bago magwakas ang lahat. Genesis's POV will be on the next chapter.

Kabanata 48
Give chance to others

"Ayan!"

Napatitig ako sa salamin pagkatapos ibraid ni mommy ang buhok ko. Nagmukha akong may kurona. Nakapaikot kasi ang fishtail braid sa upper part ng buhok ko from the left temple up to the right and the rest of my hair, nakabagsak na lang.

Bumagay naman ang hairstyle ko sa suot kong black 3/4 sleeve top na pinatungan ko ng two inches above the knee na denim skirt jumper and then white sneakers naman ang sapatos na sinuot ko.

Naglagay din ako ng kaunting make-up, iyong light lang kasi feeling ko nagmumukha akong bakla kapag naka-heavy make-up ako.

Nang makuntento na ako sa itsura ko ay napatingin ako sa wrist watch ko.

May thirty-minutes pa naman bago ang itinakdang usapan namin ni Genesis at para hindi ako maasar ni mommy na excited ako sa pagkikita namin ni Genesis. Kinalikot ko na lang muna ang laman ng black leather backpack na gagamitin ko. Kunwari ay hinahanda ko pa lang ang dadalhin ko.

Kagabi ko pa talaga inayos ang laman nitong backpack ko dahil aminado akong excited ako sa pagkikita namin ni Genesis.

I can't wait to see him again, but at the same time. Natatakot ako na magpaalam sa kanya. Siguro kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa magiging ending ng dinner namin ni Genesis ngayong gabi.

Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko nang biglang may kumatok sa pinto. Gumapang ang kaba sa aking dibdib at nagkatinginan pa kami ni mommy.

"Ako na ang magbubukas at baka si Genesis na 'yan." nakangiting sabi niya.

Tinanguan ko naman siya.

"M-May kukunin lang po ako sa kwarto." Pagsisinungaling ko naman at saka ako nagmamadaling tumakbo sa kwarto dala ang bag ko.

Pagpasok ko sa loob ay napasandal ako sa pinto pagsara ko nito at napapikit ako kasabay ng malalim na buntong-hininga.

Ano ba naman 'tong nangyayari sa akin. Masyado akong natetense.

"Amybelle, nandito na si Genesis!" sigaw ni mommy mula sa labas.

"Lalabas na po, sandali lang!"

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto and after ten minutes. Nag-decide na akong lumabas.

Sabay na napalingon sa akin si mommy at Genesis paglabas ko.

"Hi!" bati ko sa kanila, pero kay Genesis lang ako nakatingin at nahihiya akong naglalakad palapit sa kanila ni mommy.

Tumayo naman si Genesis sa sofa at pinasadahan ako ng tingin. Nailang ako sa tingin niya kaya napayuko ako para mag-iwas ng tingin sa kanya.

"S-Sorry kung natagalan ako."

Tumingin si Genesis sa wrist watch niya. "Not really." aniya habang malapad siyang nakangiti sa akin. "We still have a lot of time. Uhm, tita Roda?"

Ako naman ang nagkaroon ng pagkakataon na pasadahan ng tingin si Genesis. He's wearing gray hoodie and a black ripped jeans, his usual get up.

"Alis na po kami." paalam ni Genesis kay mommy.

"Sige. Basta iuuwi mo lang ng maayos ang anak ko, huh?"

Ngumiti at tumango si Genesis at saka niya ako pinagbuksan ng pinto para paunahin akong lumabas.

"Ang cute mo talaga kapag naka-jumper ka."

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon