Kabanata 23

4.3K 128 12
                                    

Kabanata 23
Sagot

"Happy birthday, tita." bati ni Genesis bago siya magsimulang kumanta.

Nag thank you naman sa kanya si mommy.

"But the song I'm going to play is for your one and only beautiful, daughter." dagdag pa ni Genesis.

"It's not a problem. Go on." supportive na sabi ni mommy.

"Ayiieee" pambubuyo naman sa akin ni ate Silvia na bahagya akong siniko sa tagiliran. Narolyuhan ko tuloy siya ng mga mata.

Pero sa totoo lang. Ang bilis ng pintig nitong puso ko ngayon, hindi pa nga ako makatingin ng tiretso kay Genesis.

"Hey, oohh...
I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul"

Siguro ay ang pulang-pula na ng pisngi ko ngayon dahil ramdam ko ang pag-iinit nito habang nararamdaman ko rin ang pagsulyap-sulyap sa akin ni Genesis. I don't want him to see me like this, that is why I avoid making eye contact with him.

"You're the one I want to chase
You're the one I want to hold
I won't let another minute go to waste
I want you and your beautiful soul
Your beautiful soul, yeah

Unti-unti ay dumarami ang mga taong nanonood kay Genesis. Karamihan ay mga babaeng mukhang kinikilig habang pinanonood siya. Ang lalapad ng ngiti ng mga ito at parang nanginginig pa sa kinatatayuan nila. Who wouldn't be, Genesis is a total package, gwapo na, magaling pang kumanta. He can really be a big star.

"Ang lakas ng karisma ni Genesis. Magsisisi ka anak, pag di mo yan sinagot. Look, ang daming hipon sa paligid."

Tumaas ang isa kong kilay at hindi makapaniwalang napatingin ako kay mommy dahil sa mga sinasabi niya.

"Mommy?"

Ngumisi lang sa akin si mommy at tinapik-tapik ang balikat ko.

"Basta, anak. Mabait 'yang si Genesis. Tiwala ako sa batang 'yan."

Hindi ko na lang pinansin ang mga pinagsasasabi niya dahil natuon ang paningin ko sa mga babaeng nasa likod at panay ang sigaw.

"I love you na, kuya!"
"Ang gwapo mo!"
"Akin ka na lang!"
"Kuya anong pangalan mo?!"

Napapangiwi na lang ako sa mga babaeng maiingay na sumisira ng magandang performance ni Genesis. Nakakabwisit ang mga tili nila at pagpapapansin. They are not appreciating his music, they just want him and it's pissing me off.

"Am I crazy for wanting you?
Baby do you think you could want me too?
I don't want to waste your time
Do you see things the way I do?
I just want to know that you feel it too
There is nothing left to hide"

Nang muling dumako ang tingin ko kay Genesis ay para akong nahuli ng pulis nang magtama ang mga mata naming dalawa. Tila nga nakalimutan kong huminga ng ilang segundo dahil sa makapigil hininga at perpektong mukha niya.

Pagkatapos kumanta ni Genesis ay malakas na palakpakan ang natanggap niya mula sa mga nanood sa kanya. Maririnig din ang pagkalansing ng mga baryang hinahagis ng manonood sa lalagyan ng gitara.

Bago ibalik ni Genesis ang gitara ng matanda ay nakipag-usap muna siya rito. Kami naman ni mommy at ate Silvia ay hinihintay lang si Genesis dito pa rin sa kinatatayuan namin.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now