Kabanata 3

6.2K 168 16
                                    

Kabanata 3
Titig at tingin

Nagising ako sa tilaok ng mga manok na alaga ng kapitbahay namin. May maliit na manukan kasi sa tabi ng bahay namin.

Dito lang talaga ako sa Ashralka nakakagising ng dahil sa mga nagtitilaukang mga manok. Sa bahay namin sa manila, walang nga manok na nanggigising sa akin kaya nga madalas akong late sa first subject namin kasi hindi ako nakakagising sa tunog ng alarm clock.

Nang maramdaman ko ng unti-unti ng nabubuhay ang diwa ko. Dahan-dahan kong ibinukas ang aking mga mata at saka ako bumangon at naghikab.

Nang tignan ko ang oras sa wall clock ay nakita kong mag aalas-otso na. Maaga pa rin kaysa sa usual na gising ko kapag walang pasok.

Sa manila, every weekend ay alas-nuebe ako nagigising kung minsan, madalas kasi ay nasa alas-diyes at alas-onse na ako namumulat.

Pagbukas ko ng malaking bintanang kapis ay bumungad sa akin ang bakuran namin na may malaking puno ng mangga na sa dami ng bunga ay nalalaglag na sa lupa ang iba.

"Good morning, mommy!" bati ko kay mommy na nagwawalis ng mga tuyong dahon.

Tiningala niya naman ako at nginitian. "Bumaba ka na at mag-almusal." yaya niya sa akin.

"How 'bout you?"

"Tatapusin ko lang 'to."

Dalawang araw na ang nakalipas buhat ng matapos ang Battle of the band. Eto na ang last day ng fiesta at kapag last day na ay mas maraming nagaganap dito. Mamayang hapon nga ay magkakaroon na naman ng palaro, mag eenjoy na naman ako.

Ang saya talaga ng fiesta sa probinsya.

"May sagala raw mamayang gabi, huh. At saka may sayawan mamaya sa may basketball court." ani mommy nang saluhan niya ako sa pagkain.

Sinangag at longganisa ang inalmusal ko, samantalang si mommy naman ay pandesal na isinasawsaw niya sa kape.

"Ang saya po talaga ng fiesta rito no?"

"Sinabi mo pa. Noong unang beses na dinala ako ng daddy mo rito. Fiesta rin 'non at talagang nagkakatay ng baboy ang mga lolo't lola mo 'non, tapos gumagawa rin sila ng halaya."

"Hindi ba tayo maghahanda, mi? Last day ngayon."

"Magbibake ako ng cake at saka gagawa ako ng leche plan, tapos ayain mo ang mga kaibigan mo na dito na maghapunan. Magluluto rin kasi ako ng spaghetti."

"Do you need a helping hand?"

"Wag na. Mag-enjoy ka na lang mamaya. Siya nga pala, aalis ako mamaya at sasamahan ako ni mang Pepito sa bahay ng pamangkin niya, iyon kasi ang nirerecommend niya sa akin na maging katulong mo rito. Masipag daw kasi iyon."

"Mi, hindi ba talaga pwedeng dito ka na lang din?"

"Mabel, hindi nga pwede. Maganda ang trabaho ko sa maynila. Hindi ko pwedeng ipagpalit 'yon para lang tumira rito."

"Pwede ka naman magtayo ng business dito, eh."

"Tsaka na kapag ready na akong tumira rito."

"Bakit ba kasi ayaw mo tumira rito?"

"Siguro dahil sa manila na ako lumaki. I'm a city girl and my heart doesn't belong to the country side. Unlike you, bata ka pa lang kasi ay madalas ka ng dinadala namin dito ng daddy mo noon kaya siguro nagustuhan mo rito."

Sa pagkakaalam ko ay nagkakilala si mommy at daddy noong college sila sa may University of Sto. Thomas. Sa boarding house 'non tumira si daddy habang nag-aaral siya at umuuwi-uwi lang siya rito sa Ashralka kapag long weekend o kaya naman ay bakasyon at holiday.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now