Kabanata 35

3.9K 96 14
                                    

A/N: Sorry for the language. 😂

Kabanata 35
Subukan

Pagbalik ni Genesis dito sa manila ay tumulong siya sa amin na maglipat.

Isang maliit na apartment sa tenement ang nilipatan namin. May tatlong palapag ang tenement at nasa pangalawang palapag ang apartment namin.

Bago ka makapasok dito sa tenement ay may itim na gate roon at may nagbabantay pang security guard. Hindi magulo rito, katulad ng mga napapanood ko sa TV.

Pero kapag naman nakalabas ka na ng gate at naglakad ng ilang metro rito ay tatambad sa'yo ang dikit-dikit na bahay na tagpi-tagpi pa, pati magulo at buhol-buhol na kawad ng kuryente, halos bamagsak na nga ang isang poste sa dami ng nakakabit doon.

Sa parteng iyon ay sumasalamin ang kahirapan ng buhay dito sa maynila. Nakakaawa ang mga batang nagtatakbuhan ng walang saplot, nakaapak at napakarungis. Tila napabayaan ang mga ito ng kanilang mga magulang. Kapansin-pansin din ang kanilang kapayatan at laki ng kanilang tyan. Nadudurog ang puso ko sa kanila.

Pero hindi lang ang mga 'yon ang nakatawag ng pansin ko.

Habang isa-isa kasi naming ibinababa ang mga gamit namin sa inupahan naming truck. Napansin ko ang ilang lalaking mariin na naka titig sa direksyon namin. Mga wala silang pang-itaas at may mga tattoo ang katawan. Ang isa ay naninigarilyo, mayroon din umiinom ng softdrinks na nakaplastic at may ngumunguya ng bubblegum.

"Ano ba naman ang mga 'yan. Nakakatakot tumingin." ani mommy.

"Pagpasensyahan niyo na ang mga 'yan, huh. Ngayon lang nakakita ng pagkagagwapo at pagkakaganda, eh." sabi naman ng may-ari nang apartment na lilipatan namin.

Umakyat na si mommy sa apartment namin dala ang isang container na may lamang mga damit namin. Ako naman ay hinihintay si Genesis na nasa loob ng truck at naghahanap ng mabubuhat niya rin.

"Aling, Josie. Baka kailangan nila ng tulong? Ready kami rito." Sabi ng lalaking naninigarilyo na sa tantya ko ay nasa thirties na.

"Nako, Berto. Hindi na kailangan." Sabay irap ni aling Josie na panay ang paypay.

"Baby cake, kaya mo ba'to?"

Napalingon ako kay Genesis na buhat-buhat ang isa pang container na damit pa rin namin ni mommy ang laman.

Tumango ako kay Genesis at dahan-dahan niya namang ipinasa sa akin ang container na hawak niya, at saka niya binitbit ang apat na magkakasaklob na puting monoblock chair.

Napangiwi siya at napaigting ang kanyang mga panga nang pasanin niya ito at ipatong sa kanyang balikat.

"Let's go, baby cake." yaya niya sa akin at bakas sa tono ng boses niya ang hirap.

Dahil mabigat ang dala ni Genesis ay siya ang pinauna kong umakyat at habang nasa likod niya ako ay hindi ko maiwasang mamangha habang nakatingin ako sa likod niya.

He's wearing a gray tank top kaya bakas ang pawis sa kanyang likod. Nakita ko rin kung paano mag flex ang muscles niya sa likod at sa kanyang braso. Lalong nadepina ang mga 'yon.

Pagpasok namin ni Genesis sa apartment ay hinihingal siyang naupo sa binuhat niyang monoblock pagkababa niya nito.

"Genesis, tubig?" Inabutan siya ni mommy ang isang basong tubig na agad niyang ininom at mabilis na naubos.

"Kaya pa?" nakangiti ko namang tanong sa kanya habang panay ang hinga niya ng malalim.

Ngumiti naman siya sa akin at tinanguan niya ako. Nag thumbs up pa nga siya.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now