Kabanata 24

4.5K 109 8
                                    

Kabanata 24
Clingy

Kahit na naging kami na ni Genesis. Hindi pa rin siya tumigil sa panliligaw sa akin. Sa tuwing magkasama kami, pakiramdam ko manliligaw ko pa rin siya.

As a couple. Genesis and I are so different to the other. Hindi kami clingy sa isat-isa. Hindi ko naman siya pinagbabawalan, eh. It just happened. I know it's because he respects me a lot and that makes me admire him even more.

Wala kaming naging problema ni Genesis sa relasyon namin, hanggang sa tumuntong kami ng fourth year highschool.

And still, we never did the HHWW or holding hands while walking, hindi rin kami nagyayakapan at higit sa lahat, wala pa kaming first kiss. Ang madalas lang naman ginagawa ni Genesis sa akin kapag naglalambing siya ay aakbayan ako, pipisilin ang pisngi ko, papasanin ako kapag naglalakad kami sa malawak nilang kabukiran, hahalikan ako sa noo, sa pisngi at hihiga sa hita ko. I'm glad that he knows his limitation. He didn't take advantage of me  because he's already my boyfriend.

Ako naman, kapag naglalambing ako sa kanya ay humihilig ako sa broad shoulders niya, umaangkla  sa matigas niyang braso at ihihilig ang ulo ko roon. Pakiramdam ko kasi, kapag nasa bisig niya ako ay ligtas ako. kapag naman nanghihingi ng goodnight or goodbye kiss sa akin si Genesis, hinahalikan ko lang siya sa pisngi, pero hindi naman siya nagrereklamo. Hindi ko rin naman nakikita sa ngiti niya na pinipilit niya lang maging masaya kahit halik sa pisngi lang ang kaya kong ibigay sa kanya.

Sa tuwing hahalikan ko ang pisngi ni Genesis. Nararamdaman ko pa ang panginginig niya at sa mga mata niya naman ay makikita kung gaano siya kasaya.

"Tikman mo to, baby cake. Masarap 'to."

Inilapit ni Genesis sa bibig ko ang isang slice ng pineapple pie na ginawa niya mismo.

Napangiwi naman ako at umiling-iling habang inilalayo ko ang mukha ko roon. I don't eat pineapple kahit anong klaseng luto pa ang gawin doon.

"Ayoko, huggy boo."

"Tikman mo lang. Pinaghirapan ko kaya 'tong ibake  tapos hindi ka naman pala kakain."

Nanghaba ang kanyang mga nguso. Nagpapaawa and at the same time ay nagpapacute sa akin. Natablan naman ako roon. Everytime he's doing that, ang bilis kong bumigay. Hindi ko siya kayang tiiisin.

"Alright, alright. Just one bite."

Agad na gumuhit ang ngiti sa labi ni Genesis at saka niya ako sinubuan.

Ayoko talaga ng pinya. Sa pizza nga tinatanggal ko 'yon, pati sa fruit salad. Pero hindi ko nasabi kay Genesis na ayoko ng pinya, kaya eto ako ngayon at napipilitang nguyain ang isinubo niya. Hindi ko rin naman kasi alam na pineapple pie pala ang gagawin niya. Ang akala ko ay buko or apple kasi iyon naman ang karaniwang pie na ginagawa.

"Kamusta ang lasa?" tanong sa akin ni Genesis na nakapangalumbaba sa island counter at nakangisi habang tinitignan ako.

"Not bad." tipid kong sagot.

Nginuya ko lang naman ng kaunti yung isinubo niya at saka ko nilunok agad. Ayokong malasahan ang pinya. Nasusuka ako. Ayoko namang pasamain ang loob ni Genesis kung bigla na lang akong magsuka sa harap niya.

"Paanong not bad? Masyadong matamis o kulang sa tamis? Come 'on! tell me the truth, baby cake. I will accept constructive criticism."

"Well it's... It's too sweet but smushy."

"Ahh...siguro kailangan kong bawasan na lang pala ng sugar."

"Yah. And why don't you try another flavor next time. I have never taste corn pie in my entire life, so maybe you should tried that one."

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon