Kabanata 39

3.8K 99 27
                                    

SPG Alert!!

Kabanata 39
Warm Up

"She looks familiar." ani Genesis habang kasalukuyan akong umaakyat sa stage 'non.

["Hi, what's your name?"] tanong sa akin ni Ms. Lana.

["Mabel Buencamino po."]

Napangiwi ako at nakagat ko ang ibaba kong labi at saka ko tinignan si Genesis. Hindi siya umiimik pero nakakunot ang kanyang noo at nakita ko ang pag-igiting ng kanyang  panga habang nanonood.

He's smart. Alam kong alam niya na, na ako 'yan. Maybe he's just waiting for a confirmation.

["Bakit naka-mask ka? Can you take it off para naman nakikita namin ang ganda mo."] Sabi pa ni Ms. Petrova.

Parang gusto kong maglaho ngayon habang pinanonood ko ang sarili ko na hinuhubad ang mouth mask na suot ko.

Nang tuluyan ko nang mahubad iyon ay nakita ko kung paano mapaawang ang bibig ni Genesis and then he looks at me. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa tv but he's not saying anything.

Muling nasentro ang atensyon niya sa tv nang magsimula akong kumanta and after the judgement at maannounced na pasok ako. Muli ay hinarap ako ni Genesis.

"You also join in the competition." He said in his baritone voice.

Napalunok naman ako. Pakiramdam ko ay nasa hotseat ako ngayon. Puno ng pagtatanong ang mga tingin na ipinupukol ni Genesis sa akin, pero wala akong mabasang emosyon sa mukha niya.

Bago ko sagutin ang tanong niya ay huminga muna ako ng malalim.

"Y-Yes. Sorry kung hin---"

"Well, you look more beautiful in person."

"Huh?"

Did he just compliment me?

"Ang sabi ko. Mas maganda ka sa personal." nakangiti niyang sabi.

I know what he said. Nakakaintindi naman ako ng english. Ang hindi ko lang maintindihan ay ang reaksyon niya and shit! He smiled.

"I understand what you said. Ang hindi ko maintindihan ay ang reaction mo na nalamang kasali rin ako sa TSOAC."

"My reaction? What do you want to know? Hindi pa rin ba malinaw sa'yo ang reaction ko, ngayon?" Nakangiti niyang sabi.

"Hindi ka galit?"

"Bakit naman ako magagalit?"

Naipout ko ang aking mga labi at nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Baka kasi isipin mo na nakikipag kumpitensya na naman ako sa'yo."

"Mabel,"

Ikinulong ni Genesis sa mga palad niya ang mukha ko, kaya napatingin ako sa kanya. Masuyo niya akong pinakatitigan bago siya nagsalita.

"I know we both love music. We have the same passion and ambition and maybe that's some of the reason why I love you, because we have a lot of things in common. So, why would I be mad at you? Don't you remember? We've met in a competition. I never wanted to be your opponent but you always treat me like that." He pause and then a smirked.

"Though, I love it. I love how you bring out the best in you just to beat me. You look so cute when you're trying hard."

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin at napapikit ako nang dumampi ang mainit at malambot niyang labi sa labi ko.

It was so gentle. It was pure of love.

Saglit lang ang halik na 'yon. Napadilat din ako nang maghiwalay ang mga labi namin at marahan namang tinanggal ni Genesis ang tumakas na buhok sa mukha ko. Inilagay niya iyon sa likod ng tenga ko at saka niya idinikit ang noo niya sa noo ko.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now