Kabanata 38

3.7K 104 22
                                    

Kabanata 38
She looks familiar

Lumipas ang mga araw na wala pa rin kaalam-alam si Genesis at si mommy na sumali ako sa The Sound of A Champion at nakapasa sa audition.

Ang akala ko nga pag-uwi ko sa bahay after ng audition ay bubungad sa akin si Genesis na nakasalubong ang kilay at paaaminin ako kung sumali ba ako sa The Sound Of A champion. Naisip ko kasi pagbaba ko ng stage 'non na baka narinig niya ako sa backstage, but that's if nag stay siya sa backstage kung saan dinig na dinig ang performance ng mga auditionees na sumasalang sa entablado.

Luckily, nakaalis na ang Satellite ng mag perform ako. Almost one hour din kasi buhat nang makababa ng stage sila Genesis at bago ako umakyat sa stage. But for sure, kapag nag air na this coming saturday ang pinakabagong singing contest on TV. Siguradong malalaman na rin nila ang totoo.

Pagbaba ko ng stage 'non ay kinausap pa ako saglit ng host at ininterview ni Gretchen and after that kinausap din ako ng isa sa mga staff ng TSOAC.

Dahil sinabi kong nagmamadali ako at nagsinungaling na late na ako sa work ko ay pinayagan naman akong makaaalis agad ng staff at mga ilang minuto lang pagdating ko sa bahay ay dumating si Genesis na masayang ibinalita sa akin na nakapasa siya sa audition. Sinabi niya rin na nag celebrate sila kasama ng manager nila kaya hindi raw siya agad napunta rito sa bahay.

"Baby cake!"

Napatigil ako sa pagwawalis nang marinig ko ang boses at mga katok ni Genesis. Alas-otso pa lang ay pumupunta na talaga siya rito sa bahay kapag wala siyang lakad. Madalas nga ay sinusundo pa ako nyan sa building kung saan ako nagtitraining.

Pagbukas ko nang pinto ay ang gwapong mukha ni Genesis ang bumungad sa akin.

"Good morning!" Masigla niyang bati kasunod ng paghalik niya sa pisngi ko. Nasamyo ko pa nga ang naghahalong amoy ng sabon niyang panligo at ang kanyang gamit na cologne.

Kung ganito ba naman ang bubungad sa akin tuwing umaga ay literal na good morning talaga.

Pumasok na si Genesis sa loob dala ang dalawang paperbag na may tatak na starbucks. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya papunta sa sala.

He's wearing white shirt and sage khaki shorts. Napakasimple lang niyang pumorma pero nagagawa niya pa rin mag mukhang sosyal sa simpleng pormahan.

"Anong binili mo?" tanong ko sa kanya nang lapitan ko siya.

"I bought three Turkey Ham, Egg White And Fontina Cheese On Whole Wheat Bread and three Banoffee Pie."

Umupo ako sa tabi ni Genesis at sinilip ang laman ng dalawang paperbag na dala niya.

"Hindi ko alam ang gusto niyong inumin ni tita kaya dalawang Caramel Macchiato na lang ang binili ko." dagdag pa ni Genesis.

"Anong sa'yo?" tanong ko sa kanya habang isa-isa na naming nilalabas ang binili niyang pagkain.

"My favorite, Cappuccino." sagot niya. "Nasaan nga pala si tita?"

"Tulog pa. Hinayaan ko na lang para makabawi siya sa tulog niya. Puro rin kasi overtime si mommy. Salamat nga pala sa pabreakfast mo."

"May bayad 'yan."

Tumaas ang isa kong kilay at nagtatanong ko siyang tinignan.

"Kiss lang naman." pilyo niyang sabi.

Kiss lang pala.

Napangiti ako at hinalikan ko siya sa pisngi at saka sumimsim sa mainit pang caramel nacchiato na binili niya para sa akin.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon