Kabanata 47

4.2K 125 24
                                    

Kabanata 47
Friendly-date

"Mabel."

Nagtayuan ang mga balahibo sa buo kong katawan nang banggitin ni Genesis ang pangalan ko. I don't feel scared on him anymore. Kinilabutan lang siguro ako dahil sa masuyong pagbigkas niya sa pangalan ko.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at hinintay ang sasabihin niya.

Huminga muna siya ng malalim at nakita ko pa ang pag-igting ng kanyang mga panga.

"Mabel, sorry sa nangyari kagabi. Lasing ako, hindi ko na alam ang ginagawa ko. At saka naipon na lahat ng galit ko kagabi, kaya 'nung nakita kita. Hindi ko na napigilan iyong sarili ko. Maniwala ka, hindi ko sinasadya 'yon. Nadala lang ako ng nararamdaman ko."

"You didn't let me explain."

Naitutop niya ang kanyang palad sa kanyang noo.

"Oo. Hindi kita hinayaang magpaliwanag at sobrang pinagsisisihan ko 'yon."

"Galit ka dahil nakita mo akong may ibang kasamang lalaki sa club?"

"Galit na talaga ako 'non. Bago pa kasi kita nakitang may kasama sa club. Nakita kasi kita na may naghatid sa'yo sa inyo. Noong araw na kakausapin sana kita ulit para suyuin ka at pilitin na ibalik natin 'yong dati."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakita niya pala ako 'non. Kaya naman pala last week ay napakacold niya at iniiwasan ako nang subukan kong makipag ayos sa kanya. He didn't want to talk to me because he think that I have someone new.

"Sino ba siya? Kailan mo siya nakilala? B-Boyfriend mo na ba?"

"Iyong nakita mo na kasama ko sa nightclub at iyong lalaking naghatid sa akin. Anak ni madam Diamond 'yon. He's Manoah. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, tinulungan niya akong personal na makausap si madam Diamond tungkol sa utang ni mama."

"Naikwento nga sa akin ni tita yan."

Muling nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Alam ni mommy ang tungkol kay Manoah?"

"Hindi. Ang sinabi niya lang sa akin ay nakausap mo na si madam Diamond at nagkasundo kayo na huhulog-hulugan niyo na lang ang utang ni tita sa kanya. Pinuntahan ko kasi siya sa office niya para kamustahin ka, k-kayo. Iyon 'yong pagkatapos ng araw na nakita kong may naghatid sa'yo. Balak ko na sanang mag widthraw ng pera para makabayad na si tita ng utang niya at sa kanya ko na sana personal na iaabot, pero ayun nga. Wala na raw problema kasi pwede niyo na raw hulog-hulugan 'yong utang."

I'm so lucky. Ang swerte ko pala talaga sa kanya, kasi siya na 'yong lumalapit sa amin para tulungan kami. Kahit na nakita niya akong may ibang kasama, handa pa rin siyang tumulong sa amin.

"Thank you." sabi ko sa kanya.

"For what?"

"For trying to help us."

"You know I'll always be there, Mabel."

Natahimik kaming pareho. Hindi ako makatingin ng diretso kay Genesis at nakikita ko rin na pabaling-baling siya sa kung saan.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon