Kabanata 36

3.8K 90 6
                                    

Kabanata 36
Good news

Nang muling umandar ang jeep ay nabuo ang desisyon ko. Sasali ako sa singing contest na iyon.
Makuha man ako o hindi, at least hindi ako magsisisi dahil sinubukan ko.

Nararamdaman ko na ito na pagkakataon para makabawi kami ni mommy.

Sa sobrang pag-iisip ko tungkol sa contest ay hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa WAU. Mabuti na lang at tanda na ni Genesis ang daan papunta roon kaya siya na ang pumara.

"Parang ang lalim ng iniisip mo kanina. Muntik pa tayong lumampas." aniya pagbaba namin.

"Sorry. May naisip lang ako."

Kumunot ang kanyang noo. "Ano 'yon?"

Ayoko munang sabihin kay Genesis ang tungkol sa contest na gusto kong salihan. Balak ko kasing sumali ng hindi nila nalalaman. Kaya if ever na makuha man ako ay masosurpresa sila ni mommy. At saka, pagsinabi ko kasi ay baka mapurnada.

Minsan pa naman, kapag pinamamalita mo ang isang bagay. Hindi nagiging successful. Para lang nagpaplano kayo ng mga kaibigan mo na mamamasyal kayo, pero hindi naman natutuloy.

"Wala. Kalimutan mo na 'yon." Sagot ko na lang kay Genesis at saka ko siya hilaw na nginitian.

Hindi naman na siya nagtanong pa. Hinawakan niya lang ang kamay ko at saka kami tumawid sa pedestrian lane.

Pagpasok namin sa West Adrenea University ay agad naming hinanap ang bulletin board. Ang sabi kasi ng security guard ay doon daw nakapaskil ang pangalan ng mga nakapasa sa exam.

Sa loob engineering building na may kamangha-manghang architectural design, puting-puti ang kulay at napapalibutan ng glass wall. Narito mismo sa ground floor ang bulletin board at maraming nagkukumpulan doon ngayon, kaya minabuti na lang namin ni Genesis na hintaying mabawasan ang tao roon dahil hindi talaga kami halos makasingit. Naggigitgitan pa ang nga ang iba.

Habang nakaupo kami ni Genesis dito sa isa sa mga puting concrete bench na nasa gilid-gilid. Isang lalaki ang dumating na nagpalingon sa maraming kababaihan, including me.

The guy looks so very handsome. Pero hindi ko siya nilingon dahil gwapo siya, bigla na lang talaga akong napatingin sa kanya dahil nakita ko kung paano siya tapunan ng namamanghang tingin ng ilang kababaihan na narito. Pamilyar din sa akin ang lalaking 'to. Parang nakita ko na siya, somewhere.

He's tall, mestizo at mukha siyang foreigner. Just like my gorgeous boyfriend. Nakasuot siya ng t-shirt at may mga tattoo siya sa magkabilang braso.

Saan ko nga ba siya nakita?

Nahawi ang mga nakaharang sa kanyang daraanan at laglag ang panga ng mga ito habang nakatingin sa kanya.

"Hindi pa naman nila enrollment, bakit nandito siya?" dinig kong tanong ng babaeng nakatayo sa tabi ko.

"Baka totoo ang balita na hindi niya tatapusin ang pag-aaral dito. He's going to study abroad." sabi naman ng kasama nitong babae rin.

"Bakit biglaan naman yata? Baka nag-away away sila?"

"Ewan ko."

Sinundan ko ng tingin ang lalaki hanggang sa makaakyat na ito sa itaas.

Pamilyar talaga sa akin ang lalaking iyon kaya lang ay hindi ko matandaan kung saan ko ba siya nakita.

"Gwapo ba 'yon at sinundan mo talaga ng tingin?"

Napalingon ako kay Genesis na nakalimutan kong katabi ko nga pala.

"Huh?"

"Iyong lalaking dumaan kanina. Masyado bang gwapo at sinundan mo pa ng tingin?"

Sa tono pa lang ng boses ni Genesis ay halata mo ng nagseselos siya.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon