Kabanata 49

5.9K 142 18
                                    

Kabanata 49
Genesis's POV

"They're good." ani Jace habang pinakikinggan namin mula rito sa backstage, ang grupong HERA, isa sa mga kalaban naming banda ngayon.

"Magaganda rin sila." sabi naman ni Georg habang nakangisi.

Siguro may natitipuhan ang isang 'to sa all girl group na tumutugtog ngayon.

"And they bring their own cheerer." sabi naman ni Brando na bahagyang nakasilip sa mga tao.

May mga naririnig nga akong malakas na nagchecheer sa HERA. Dinig na dinig ang boses nila dahil nasa unahan pa yata ang mga ito.

"Tingin nga."

Marahan kong tinulak si Brando sa pwesto niya para makita ko iyong mga cheerer ng HERA at agad ko naman silang natanaw mula rito sa kinaroroonan namin dahil may mga hawak pa silang signboard. May isa pa ngang nakaagaw ng atensyon ko.

Iyong pinakamaliit na cheerer ng HERA. Sigaw siya ng sigaw, mukha siyang punkista pero ang cute niya.

"Gen, anong nginingiti-ngiti mo dyan?" tanong ni Jace pero hindi pa rin maalis ang tingin ko sa cute na babaeng nagchicheer sa HERA.

"Pustahan, may nabingwit na chics 'yan." dinig ko namang sabi ni Darwin.

Hindi ko sila pinapansin. I just want to focus on her. Tinamaan yata ako sa babaeng 'to, nararamdaman ko kasi ang malakas na pagpintig ng puso ko ngayon.

I can't wait to impress her later.

Pagkatapos tumugtog ng HERA ay ang banda naming Satellite ang sumunod na tinawag.

"It's showtime." ani Georg bago kami tuluyang umakyat ng stage.

Pag-akyat ko sa stage ay nginitian ko ang lahat at saka mabilis na napatingin ako sa direction nila Ms. Cutie. Ang babaeng kanina ko pa tinitignan.

Mas lalo yatang lumapad ang ngiti ko nang makita kong bahagyang nakaawang ang bibig ni Ms. Cutie habang nakatingin siya sa akin.

Parang namamangha ang mukha niya habang nakatingin siya sa akin. Nagwapuhan yata o baka na love at first sight na 'to. Advance ako mag-isip, eh.

Agad ko rin namang inalis ang tingin ko sa kanya dahil baka mahalata niyang gustong-gusto ko siyang tignan. Kapag nangyari 'yon ay maiilang na siyang panoorin ako and I don't like that to happen.

I want her to watch me 'till the end of our performance.

"Good evening, everyone." bati ko sa lahat.

Mas lalo namang naghiyawan ang mga supporters namin na nanonood ngayong gabi.

We're really blessed to have a lot of people who support us. Audience impact is one of the criteria at pagdating doon ay hindi kami namomoblema.

"Before I'll sing this song. I would like to dedicate this to my fellow teenagers. Remember, we don't need to change ourselves to be fit in this world just because you feel like you don't belong in here, always remember that we live not to please anybody, but to do what you want and be who you are."

I smiled to everyone after my short speech, pagkatapos ay nilingon ko at tinignan isa-isa ang bandmate ko at saka ko sila binigyan ng cue bago sila nagsimulang tumugtog.

Habang hinihintay ko ang pagpasok ko ay pasimple akong napatingin kay Ms. Cutie.

Shit! Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya kasi nakatitig siya sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay nagwawala ang puso ko ngayon.

Putcha! Kailangan kong mag concentrate.

Genesis, focus.

"Do you ever feel like breaking down?
Do you ever feel out of place, like somehow you just don't belong and no one understands you?
Do you ever wanna run away?
Do you lock yourself in your room
With the radio on turned up so loud
That no one hears you're screaming?"

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon