Kabanata 13

5.3K 154 27
                                    

Kabanata 13
Ulan

Sa pangatlong araw ng foundation day. Agad kaming pinulong ni ma'am San Lazaro para iannounce kung sino ang nanalo sa booth competition ng section namin na magiging excempted sa exam sa MAPEH next week at makakakuha ng plus sa grade nila this period.

"Base sa kinita ng bawat grupo. Malaki ang naging lamang ng grupo ni Mr. Castroverde na kumita ng three thousand and seven hundred fifty five pesos."

"Yes!"

Taas ang aking isang kilay na nilingon ko si Genesis.

Napapasuntok siya sa hangin at ang lapad ng kanyang mga ngiti. Nakipag high-five pa siya sa katabi niyang si Georg.

"Pagdating naman sa lasa ng mga ibinenta niyo. Ang grupo din ni Genesis ang nakakuha ng mataas na score from the panel."

"Alright!"

Muling nakipag high-five si Genesis kay Georg at sa iba pa nilang kagrupo na nagpapalakpakan. Inakbayan pa nga ni Genesis ang katabi niya sa kanan na si Shey.

Proud naman akong tinignan ni Shey at tila nang-aasar na nginitian ako. I swear, nakakaasar talaga ang ngiting ipinukol niya sa akin.

Nakakapanhinig ng laman ang mga inaanunsyo ni Ma'am San Lazaro, para bang unti-unti akong binabaon 'non sa kinatatayuan ko. 

"Sa booth presentation naman. I love how Ms. Buencamino and her groupmates decorate their booth. Napaka-creative 'non."

"Whoa! Congrats." bati ni Genesis habang malakas niya kaming pinapalakpakan. Nangingibabaw ang palakpak niya sa lahat at may pahiyaw-hiyaw pa siya. Mukha ngang mas masaya pa siya sa amin, e.

"Pero sa observation namin ng panel. Napagdesisyunan namin na ang grupo ni Mr. Castroverde ang nanalo sa booth competition ng section na 'to. Nakita rin kasi namin ang strategy ng grupo nila kung paano nila naibenta ang kanilang product. Maganda rin naman ang ginawa mo, Ms. Buencamino, pero siguro next time 'yong mas energetic na kanta ang tinutgtog mo. Anyway, better luck next time."

Ayan na naman 'yong mga komento na may halong papuri, but in the end. Talo ka pa rin.


Laglag ang balikat ko habang nakayuko akong naglalakad palabas ng classroom namin. Naramdaman ko naman na may umakbay sa akin.

"Amybelle, okay lang 'yon. Bawi na lang tayo kapag nagkaroon ulit ng groupings. Basta ako ulit ang pipiliin mong groupmate." pagpapalubag loob sa akin ni Jordan.

Napahinto ako sa paglalakad at nag-angat ng tingin. Nasa likod ko lang din pala ang iba pa naming kagrupo na huminto rin sa paglalakad nang huminto ako.

"Wag mong masyadong isipin ang pagkatalo natin, Amybelle. Okay lang 'yon." sabi pa ni Carousel.

"Pakiramdam ko kasi not enough ang ginawa ko." sabi ko sa kanila.

And aside from the fact that I felt like I didn't give my best. Naiinis pa ako dahil natalo na naman ako ni Genesis.

Bakit pati sa school natatalo niya ako? Nakakainis na talaga!

"What do you want? I'll treat you para naman gumaan ang pakiramdam mo, leader. You did your best kaya wag mong sabihin na not enough ang ginawa mo." ani Jordan. "Smile na." dagdag niya pa.

Kinurot niya pa nga ang kaliwang pisngi ko. Napanguso naman ako at hinampas ko siya sa balikat.

Nang-aasar naman siyang tumawa.

"Narinig niyo ang sabi ni Jordan? Maglilibre raw siya. Kaya tara na!" yaya ni Anthony na nakaakbay kay Clang at Lloyd.

"Hep, hep, hep. Sinabi ko bang ililibre ko kayong lahat? Mag KKB kayo. Si Amybelle lang ang ililibre ko dahil naging magaling siyang leader sa atin."

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now