Kabanata 14

5.2K 147 16
                                    

Kabanata 14
Granada

Agad kong itinakip sa ilong ko ang hawak kong tissue nang biglang akong mapabahing ng malakas habang nakaupo ako sa upuan ko at hinihintay na pumasok si Mrs. Santos na teacher namin sa math.

Hindi naman ako sinisipon, barado lang ang ilong ko at dahil doon ay sumasakit ang ulo ko. Ang kati na nga rin ng lalamunan ko, feeling ko ay uubuhin ako. 

Halos isa't kalahating oras din na walang tigil ang ulan kahapon. Magtatakipsilim na noong tumila ito at noon lang din kami nagpasyang umuwi ng mga kaibigan ko at ng grupo nila Genesis. Masyado kaming nalibang sa pagbabalik bata.

Ang saya-saya ko pa pag-uwi ng bahay kagabi. Tuwang-tuwa akong nagkwento kay ate Silvia. Tinawagan ko nga rin si mommy para ikwento sa kanya ang mga nangyari sa akin nang araw na'yon, kaya lang ay walang sumasagot sa telepono. It's either, wala siya sa bahay o natutulog siya kaya hindi niya ako narinig na tumatawag, but I guess wala siya sa bahay.

And then, kaninang umaga pagkabangon ko ay ang sakit na ng ulo ko at ang kati ng ilong ko. Pagkatapos kong maligo, nagsimula na akong bumahing ng bumahing. Pinainom ako agad ng gamot ni ate Silvia para maagapan ang nagbabadyang ubo at sipon.

Kaya lang ay wala yatang epekto ang gamot na ininom ko dahil pakiramdam ko ngayon ay mas lalong nangati ang ilong ko. Mas tumitindi ang pagbahing ko at pati ang pangangati ng lalamunan ko ay tumitindi rin. Napabili na nga ako ng tissue at dalawang bote ng mineral water.

Muli akong napahawak sa sintido ko nang tila pumintig ang ugat dito. Lalong sumakit ang ulo ko.

Kanina nga ay hindi ako gaanong nakapag concentrate sa pagsagot sa exam namin sa MAPEH, tapos ngayon Math naman ang itetest namin at mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Giniginaw ako, pero ramdam ko ang init sa loob ng katawan ko.

"Mabel, sigurado ka bang okay ka lang?" Dinig kong tanong sa akin ni Genesis na ilang beses na rin niyang itinatanong. Nasa harap ko siya ngayon at matamang nakatingin sa akin.

"Don't worry about me. I'm fine." pagsisinungaling ko para tantanan niya na ako.

Kaya lang ay ang hirap palang papaniwalain nito. Ang kulit-kulit niya kasi.

"But you don't look okay." sabi niya sa akin.

Nagtaas ako ng isang kilay. "Bakit ba mas marunong ka pa sa'kin? Katawan ko 'to kaya ako ang nakakaramdam kung okay lang ba ako o hindi."

"That's right. It's your body and you are also capable to lie and pretend that you're okay, even if it's not."

Muli kong hinilot ang sintido ko dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko sa ginagawa kong pakikipag diskusyon kay Genesis.

"Mabuti pa, Mabel. Samahan na kitang pumunta ng infirmary. Magpacheck up ka."

"Ayoko. Kaya ko pa naman, e."

Ilang saglit pa ay dumating na rin sa wakas si Mrs. Santos. Sa wakas ay matitigil na rin ang pangungulit ni Genesis sa akin.

Mabilis na nagsibalik sa kani-kanilang upuan ang mga kaklase kong naghaharutan at nagdadaldalan kanina. Maliban kay Genesis na nasa harap ko pa rin.

"Huy, bumalik ka na sa upuan mo."

Alanganing umalis si Genesis sa harap ko at bumalik sa upuan niya.

Bago magsimula ang distrubution ng test paper. Mas lalong tumindi ang pananakit ng ulo ko. Para ngang umiikot ang sikmura ko at nasusuka ako. Hindi ko na rin maintindihan ang mga sinasabi ni ma'am Santos dahil abala ako sa paghilot ng sintido ko at pag-iisip kung paano mawawala ang sakit ng ulo ko.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora