Kabanata 7

5.6K 164 16
                                    

Kabanata 7
Deal

"Genesis, is that how you greet your new classmate?" nananaway pero malumanay na sabi ni ma'am San Lazaro, habang pinaniningkitan niya ng mga mata niya si Genesis.

Hindi naman nakakatakot ang mukha ni ma'am. Mukha kasi talaga siyang mabait. Hindi mo tuloy kakikitaan ng takot sa mukha niya si Genesis.

"Sorry po." Nakangising sabi niya kay ma'am habang naka-peace sign.

"Alright, Ms. Buencamino. You can go back to your seat and you, Mr. Castroverde. Why are you seating there, huh?"

Finally! Napansin din ni ma'am.

Inirapan ko si Genesis nang malampasan ko ang inuupuan niya at saka ako naupo sa upuan ko.

"Dito na lang po ako, ma'am. Parati na lang po kasi akong nasasecond row. Gusto ko namang maexperience na maupo rito sa likod."

"Loko-loko ka talaga, Genesis." Napapailing-iling na sabi ni ma'am. "Class back to your seat, now. Bumalik kayo kung saan kayo nakaupo noon."

"Ma'am naman." reklamo ni Genesis habang nagkakamot siya ng ulo.

"Go. Back. To your. Proper. Seat." Mariin na utos pa ng teacher namin, namaywang pa nga siya.

Wala ng nagawa pa si Genesis. Tila mabigat ang katawan niyang tumayo sa kanyang kinauupuan. Nakita ko namang tinatawanan siya ng kaibigan niya na nakaupo sa may third row.

"Ma'am, kung pababalikin niyo po kami sa upuan namin. Saan naman uupo si Amybelle?" Hindi pa talaga sumusuko si Genesis sa gusto niyang marami at dinadamay niya pa ako sa tanong niya. Napakulit niya talaga.

Ilang beses ba siyang inire ng nanay niya?

May papel na kinuha si ma'am San Lazaro at itinaas ito habang nakangiti kay Genesis.

"This is my official class list at nakaadd na rito ang pangalan ni Ms. Buencamino. So, uurong lang naman kayo ng isang upuan."

Tinignan ni ma'am ang nakasulat sa papel na hawak niya.

"Mr. Buenjares, saan ka ba nakaupo?" tanong niya sa isa sa mga kaklase ko. Itinuro naman nito ang upuan niya noon.

"Uhm...uurong ka kasi mauuna sa'yo si Ms. Buencamino. Okay?" ani ma'am.

Ginawa naman iyon ng kaklase kong si Raynald Buenjares. Nagleave siya ng isang upuan at doon ay naupo ako.

"Mr. Castroverde."

"Present!" Nakangiting itinaas ni Genesis ang kamay niya nang tawagin ni ma'am San Lazaro ang apelyido niya.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa upuan niyang nasa likod ko lang at nang magtama ang mga mata naming dalawa, agad ko siyang inirapan ang muli kong ibinalik ang tingin ko sa unahan.

"I will not be by your side, but don't forget to look at your back, cause I'll always be here." Bulong ni Genesis sa akin na nagpatayo ng balahibo ko sa katawan, nakakakiliti kasi ang mainit niyang hininga.

"Genesis! Ano na naman 'yan?" Pananaway ni ma'am San Lazaro.

"Wala po, may sinasabi lang ako kay Amybelle."

"Are you bullying here?"

"No ma'am. How can I do that to her? I'm actually lov---"

"Genesis, please be quiet." Mukhang naiinis na si ma'am kay Genesis dahil tumataas na ang boses niyang kanina ay mahinahon lang.



Pagkatapos ng dalawang klase namin ay nagkaroon kami ng thirty minutes break.

Hindi pa man ako nakakalabas ng classroom ay agad na akong hinarang ni Genesis.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora