Kabanata 29

4.7K 139 16
                                    

Kabanata 29
Sure

"Mabel, hanggang kailan mo ba iiwasan si Genesis? Mag gagraduation na. Magbati na kayo. Ang liit lang naman ng problema niyo, eh. Pinalalaki mo lang. Sige na, kausapin mo na 'yong tao."

"Nahihiya ako, Faye."

Aaminin ko, guilty ako na pinalaki ko ng ganito ang lahat. Humantong sa hindi namin pag-uusap ng ilang araw. Ngayon ko lang narealized kung gaano ako kagaga dahil masyado akong nagpadala sa init ng ulo ko, sa selos, sa inis kahit na ang totoo ay wala namang ginagawang masama si Genesis. It was me, making things terrible.

Now I'm still ignoring, him but not because I'm still mad, but because I'm ashamed of myself.

Tinapik tapik ako ni Faye sa balikat ko.

"Wag kang parating nagpapasuyo, friend. Wag mong abusuhin ang lawak ng pang-unawa ni Genesis sa'yo. Maraming lintang naghahanap lang ng tyempo para kumapit sa kanya at sipsipin siya. Look."

Nag-angat ako ng tingin at sinundan ang itinuturo ng daliri ni Faye. Mula rito sa inuupuan namin sa may dulo ng canteen, matatanaw ang grupo ni Genesis na nakapwesto naman sa unahan malapit sa counter. Nakaharap dito sa direction namin si Genesis, Georg at Jace. Ang lakas ng tawanan ng magkakaibigan, lalo na si Georg na nakaakbay kay Genesis at hinahampas ng isang kamay niya ang ibabaw ng mesa habang tumatawa, si Genesis naman ay makikitang nakangiti pero alam kong napipilitan lang. Nahuli ko pa nga siyang tumingin dito, pero agad naman na nag-iwas nang malaman niyang nakatingin din ako sa kanya.

"He doesn't look happy, right? Napakapilit ng ngiti niya." ani Faye. "Alam mo ba na hindi ganyan ang Genesis na nakilala ko. Everytime na kasama niya ang mga kaibigan niya, sobrang saya niya. Mas malakas pa nga ang tawa niyan kaysa kay Georg."

"What do you really wanna say?"

"Masyado siyang affected sa pag-aaway niyo kaya kausapin mo na ang huggy boo mo, ikaw din. Baka masalisi ka ng mga ahas sa paligid."

"Kanina linta, ngayon naman ahas." natatawa kong sabi.

"Marami kasing sabik na sabik tuklawin at kapitan 'yang, jowa mo. Pinaaalalahan lang kita bilang napakabait mong kaibigan."

Dahil sa mga sinabi ni Faye. Naglakas loob akong makipag-ayos na kay Genesis. Ayoko namang masira ang relasyon namin ng dahil lang sa maliit na bagay na pinalalaki ko. I love him at ayokong mawala sa akin.

Gumawa ako ng maikling notes na isinuksuk ko sa locker ni Genesis bago ako umuwi. Nauna kasi akong umuwi sa kanya dahil ipinatawag pa siya sa faculty sa hindi ko malamang dahilan. At saka, wala rin naman akong planong magpahatid sa kanya sa bahay kaya sumabay na lang ako kay Faye.

Habang nasa bahay ako at nanonood ng TV kasama si ate Silvia, napapaisip ako kung nabasa kaya ni Genesis ang note na inilagay ko sa locker niya.

"May practice pa kayo bukas?" tanong sa akin ni ate Silvia.

"Yes, pero mga two days na lang siguro then baccalaureate na."

"Kailan daw luluwas dito si ate Roda?"

"Before baccalaureate. Kailangan kasi siya roon."

"Akalain mo 'yon. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang. Naninibago ka pa sa school mo, nagrereklamo sa mga notebook na may mga cover na artista, pero ngayon malapit ka ng makapag martya."

Napapangiti at napapatango ako sa mga sinasabi ni ate Silvia. Ang bilis nga naman talaga ng panahon.

"Siya nga pala, kamusta na kayo ni Señorito, Genesis?"

Naikwento ko na kay ate Silvia ang nangyari noong prom and after the prom at sinabi ko rin sa kanya na may problema kami ni Genesis ngayon sa relationship namin.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now