**WAKAS**

8.4K 237 50
                                    

**Wakas**

It's been two years. Parang kailan lang nang huling beses na tumapak ako sa lugar na 'to.

Tumigil ako sa pag-ugoy ng aking sarili, habang nakaupo ako sa gulong na duyang nakasabit sa matandang punong nasa tuktok nitong burol na kinaroroonan ko. Umihip kasi ang malakas na hangin, napapikit pa nga ako at sinamyo ito, dala ang naghahalong amoy ng natuyong dahon at lupa mula sa malakas na ulan na nagdaan kagabi.

Napakapresko at sariwa talaga ng hangin dito sa probinsya. Nakakawala ng pagod at ang gaan-gaan nito sa pakiramdam.

Nang muli kong idilat ang mga mata ko ay muling bumungad sa paningin ko ang luntiang mga bundok at malawak na mga kapatagan. Maaga pa kaya humahalik pa sa mga bundok ang mga ulap dahil sa baba nito.


Sa eksaktong lugar na ito kami madalas pumunta noon ni Genesis, minsan kaming dalawa lang, minsan naman ay kasama namin ang mga kaibigan namin. Sa lugar na ito rin kami nagkabati nang unang beses na magkaroon kami ng di pagkakaunawaan.

Ang sarap lang balikan dito ng nakaraan. Back when we were just a highschool student, dreaming and planning for our future. A happy teenagers that very much in-love.

I wouldn't deny that I miss the good times back then, but I'm not gonna regret what I've chosen.

I made a choice. Maybe that choice changes a lot but in a good way. I've learn many things. I found myself and I saw the light that brings me back here. I'm now the better version of myself. My choice made me strong. I've learned from all of my mistakes. Now. I just wanted to create new memories.

"Mabel, saan ka ba nagpupupunta?" Kunot ang noo na tanong ni mommy pag-uwi ko nang bahay.

Naabutan ko siyang nagmamarinate ng liempo. Mukhang mangangamoy usok ako mamaya dahil ako ang pag-iihawin niyan panigurado.

Naupo ako sa high stool na narito sa island counter. Nangalumbaba ako at pinanood ko si mommy sa ginagawa niya.

"Inihaw na liempo ang ulam natin ngayon o mamaya?" Tanong ko.

"Hindi. Bukas pa 'to iihawin. Sa fiesta. Ikaw ang mag-ihaw nito, huh."

"Not a problem."

"So, saan ka nga nagpunta?"

"Nagpunta lang po ako sa burol."

"Nag-almusal ka na ba?"

"Nagkape lang ako bago ako umalis."

"May ginawa akong sopas. Kumain ka. Siya nga pala, dito maghahapunan ang ate silvia mo mamaya."

"Kasama si kuya Marvin? Diba, pitong buwan na ang tyan ni ate Silvia? Dapat hindi siya hinahayaan ni kuya Marvin na umalis ng siya lang."

"Siguro naman kasama niya si Marvin. Nakita ko nga pala si Faye kanina sa palengke, kinakamusta ka. Ang sabi pa nga ni Faye ay bisitahin mo naman daw siya sa kanila."

Napangiti ako. "Balak ko naman talagang bumisita sa kanila mamaya."

Bukas ay fiesta na. Kagabi lang kami nakarating ni mommy dito sa Sul Medra at sa dalawang taon na hindi kami nakauwi rito ay napansin ko na may ilan na ring nagbago sa bayan na 'to.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now