Kabanata 42

3.6K 116 13
                                    

Kabanata 42
Madam Diamond

"Mabel, ang galing mo talaga noong sabado. Binoto nga kita, eh. Para sa akin, ikaw ang pinakamagaling sa lahat at naniniwala akong makakasama ka sa grand finals." ani Joyce na isa sa mga katrabaho ko.

Nandito kami ngayon sa isang fast food restaurant, sa tapat lang ng building na pinagtatrabahuhan namin. Breaktime kaya nagkayayaan kami rito.

Hindi sana ako sasama sa kanila dahil wala akong budget na kumain sa labas at saka may baon naman akong kanin at longganisa. Ang kaso, ilang beses nila akong kinulit hanggang sa nag offer na sila sa akin na ililibre ako, sinubukan kong tumanggi pero makukulit ang mga ito kaya pumayag na rin ako bandang huli, isa pa ay libre naman.

"Basta ba wag niyo ako kakalimutang iboto." sabi ko sa kanila.

"Oo naman. Kahit na mahal na mahal namin ang Satellite, sa'yo pa rin ang boto namin. Iba ka kasi, eh. Habang tumatagal ay lalo kang gumagaling. Parang every performance mo nag lelevel-up ka." Nanlalaki ang mga matang sabi ni Shirley.

Ang OA niya ngang magsalita eh, para bang hinahabol niya ang mga salitang lumalabas sa bibig niya with matching kumpas pa ng mga kamay niya. Ganoon siya kapag nagkukwento kaya sanay na rin kami sa kanya.

"Ay siya nga pala, Mabel. Miss na namin si Genesis. Bakit hindi ka na niya sinusundo? Alam mo, kung ikaw pagaling ng pagaling, yung jowa mo naman. Pagwapo ng pagwapo." ani Joyce.

Hindi pa kumakalat sa public na kami ni Genesis dahil hindi naman natuloy ang sinasabi ni Rey na clarification kuno about sa love life ni Genesis, pero hindi na rin naman niya tinukso si Genesis kay Sarah. Siguro ay napag-usapan na nila ni Genesis ang tungkol doon dahil close naman sila ni Rey.

At kahit na hindi ipagkalat ang tungkol sa amin ni Genesis. Marami naman ang nakakaalam na kaming dalawa talaga. Kasama na dyan ang mga katrabaho ko na madalas masaksihan noon ang paghahatid at sundo ni Genesis sa akin sa tuwing papasok at uuwi ako.

"Hoy! Amybelle? Bakit natulala ka bigla dyan?" tanong ni Thatiana sa akin.

"Huh? M-May sinasabi ka ba?" maang kong tanong.

"Bakit nga di na nagpapakita si Genesis?" tanong ni Joyce.

"Ah...busy kasi siya. Alam niyo na, marami ng guesting at gig na natatanggap ang Satellite at saka nag-aaral din kasi siya. Hindi niya pwedeng pabayaan ang kahit isa sa mga 'yon. Pinagsasabay niya 'yon. Kaya busy talaga siya." Paliwanag ko.

Totoo namang busy si Genesis eh. Kahit naman hindi ako nakipag cool-off sa kanya, hindi niya pa rin ako mahahatid at masusundo sa trabaho ko dahil busy na nga talaga siya.

"Sabagay. Sa lahat yata ng contestant. Sila 'yong kahit hindi manalo ay sisikat. Ngayon pa nga lang ay sikat na sila. Hindi ka'ba nate-threaten sa mga babaeng lumalapit kay Genesis? Ang dami niyang fangirls, tapos mukhang bet pa siya ni Sarah. If I know, lumalaki na rin ang fansclub nila."

"Hindi. May tiwala naman kasi ako kay Genesis." sabi ko na lang.

"Pero alam mo, minsan kapag sobrang tiwala ng isang babae. Doon nakakahanap ng tyempo ang lalaki na gumawa ng katarantaduhan. Dapat pinaparamdam mo rin sa kanya na nagseselos ka."

Nagseselos talaga ako sa closeness ni Genesis at Sarah ngayon. Sila kasi ang madalas na nagkakasama sa mga guesting at madalas din tinutukso sa isat-isa ng ilang host ng program kung saan sila naiimbitahan.

Pero nakipag cool-off ako kay Genesis kaya kahit magselos man ako sa kanila ay hindi ko na maipaparamdam iyon sa kanya.

But I trust him. I know how much he loves me. Hindi naman siguro siya lalandi agad dahil hindi pa naman kami break. Cool Off lang naman ang hiningi ko sa kanya.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon