Kabanata 43

3.6K 101 14
                                    

Kabanata 43
Complicated

"Akala ko talaga masungit si madam Diamond, pero habang kausap ko siya kanina. Narealize ko na okay naman pala siya." kwento ko kay Manoah habang mabagal niyang pinaaandar ang sasakyan niya palabas nitong village.

Nakapatong ang isang siko niya sa pinto ng sasakyan niya at ang isa naman ay ang ginagamit niyang pang-control sa manibela.

"Sabi ko naman sa'yo, eh. Uhm...Amybelle, may boyfriend ka na ba?"

Nakagat ko ang ibaba kong labi sa tanong niya. Bigla kong naalala si Genesis.

Gusto ko sanang isagot kay Manoah na cool-off kami ngayon pero kailangan ko muna yatang malaman ang dahilan niya kung bakit niya itinatanong sa akin iyon.

"Bakit mo naman itinatanong?"

"May pabor sana akong hihilingin sa'yo if pwede. Alam mo kasi, pagkakita ko pa lang sa'yo kanina. Bigla ko na lang naisip 'tong planong 'to, eh. And I think, ikaw 'yong perfect na makakatulong sa akin."

"Sabi ko na nga ba. May balak ka talaga sa akin."

"Wala akong balak na masama sa'yo. Kung gusto mo pa, babayaran kita sa gagawin mo."

Kumunot ang noo ko. "Ano bang gagawin ko?"

Umigting ang kanyang mga panga at kinagat niya ang ibaba niyang labi at saka siya tumingin sa akin.

"Magpanggap kang girlfriend ko. Tulungan mo akong pagselosin ang ex ko."

"What?" bulalas ko. "Seryoso ka?"

"Oo. Siya lang ang babaeng minahal ko at gusto kong bumalik siya sa akin."

Mukhang makalas nga ang tama nitong si Manoah sa ex niya. Kitang-kita kasi iyon sa mukha niya.

"Do you think, babalik siya ulit sa'yo kung malalaman niya na may girlfriend ka na ulit?"

"I think so. Gusto kong makita na nagseselos siya. Gusto ko na matrigger siya na sabihin sa aking  mahal niya pa rin ako."

"What if, hindi umepekto ang plano mo?"

"Susuyuin ko pa rin siya."

Nakakamangha ang determinado ni Manoah na makuha ulit ang girlfriend niya, kaya tinanggap ko ang pabor na hinihinga niya. Hindi naman iyon dahil nag offer siya sa akin na babayaran niya ako. I just really want to help him kasu tinulungan niya rin naman ako sa mommy niya.

"Dito na lang ako. Salamat." sabi ko kay Manoah ng makalabas na kami sa gate ng village.

"Ihahatid na kita sa inyo at saka para makapag kwento ako sa'yo ng tungkol sa amin ng ex ko. Para kahit papaano, alam mo ang history namin."

"Taga makati pa ako. Wag na lang." tanggi ko sa kanya.

"Okay lang. Taga-makati rin naman ako."

"Pero diba, babalik ka pa sa mansion?"

"May kinuha lang naman ako sa bahay. Hindi naman ako nakatira roon. Sabi ko naman sa'yo, taga-makati rin ako."

"S-Sige na nga."

Nang nasa highway na kami ni Manoah ay pinindot niya ang isang button sa left side, sa gilid ng manibela at dahan-dahang tumaas ang bubong ng top down niya.

"Mainit na, eh. At saka maeexpose tayo ng sobra sa pollution." awtomatiko niyang paliwanag sa akin.

Unti-unti na rin tumataas ang ang bintana sa gilid namin, hanggang sa makulong na kami sa loob at  naramdaman ko na rin ang lamig ng aircon at maamoy ang fruity scent ng kanyang car air freshener.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon