Kabanata 27

4.2K 122 3
                                    

Kabanata 27
Last Dance


"Kung ang school talaga mismo ang naghanda 'non, bakit walang ibang tao roon?" nagtataka kong tanong kay Genesis habang hawak kamay kaming bumababa sa third floor ng freshmen building.

"Maybe because they don't know."

Tumaas ang isa kong kilay. "Eh, bakit ikaw alam mo?"

Nagkibit balikat siya. "Sinabihan lang naman ako ni Dwayne, eh. "

Dwayne is the elected student president at close nga sila ni Genesis dahil madalas niya itong nakakasama na maglaro ng basketball sa kanila.

"He told me to bring you at the rooftop, bibigyan niya raw kasi tayo ng solo moment. I actually have no idea what's going to happen. I just did what he told me to do at nakatulong naman yung pagiging clueless ko kasi maganda ang naging resulta 'non."

Muli kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko nang maalala ko ang nangyari kanina. Nag-iwas ako ng tingin kay Genesis para itago ang pamumula ng pisngi ko, muli ko pa ngang nakagat ang lower lip ko.

Nasa first floor na kami ng building at naglalakad sa hallway nang makasalubong kami ng ilan naming schoolmate na mukhang papunta na rin sa rooftop.

Binati nila si Genesis at tipid nila akong tinapunan ng ngiti na sinuklian ko naman.

"Mabuti na lang nakaalis na tayo." ani Genesis sa akin paglampas namin sa mga nasalubong naming kaeskwela.

Pagbalik namin sa quadrangle ay nagsasayawan na ang marami. Umiindak sa saliw ng buhay na buhay at makabagong tugtugin.

"What's going on on the floor?
I love this record, baby, but I can't see straight anymore...
Keep it cool
What's the name of this club?
I can't remember, but it's alright, alright"

Hindi namin alam ni Genesis kung saan kami pupunta dahil wala sa pwesto namin sina Georg. Malamang ay nasa gitna rin ang mga ito at sumasayaw.

"Tara, sayaw na lang din tayo." yaya ko kay Genesis habang hinihila ko ang kamay niya.

"Mamaya na lang, Baby cake. Marami pa namang oras, eh. Let's save our energy para hindi agad tayo mapagod."

Napangiwi ako dahil sa pagtanggi niya. Ang haba pa ng sinabi niya, eh. Halata namang ayaw niya talagang sumayaw. Siguro dahil hindi nga raw siya marunong.

"Kain na lang tayo." Yaya niya sa akin. Hindi naman ako tumanggi kasi pagkain 'yon, eh.

Nine thirty na nang tawagin sa stage ang Satellite para tumugtog.

"Wait for me." ani Genesis na hinalikan pa ako sa pisngi bago siya tumayo sa upuan niya at maglakad papunta sa stage. Naiwan ako rito sa pwesto namin, kasama si Faye at ang girlfriend ni Brando na si Rica Lucinencio.

Pag-akyat sa stage nina Genesis ay nagtayuan ang marami at nagtungo sa gitna, nag-umpukan sila sa harap ng stage at nagtitilian kahit na hindi pa naman nagsisimulang kumanta ang Satellite.

"Tara, punta rin tayo sa unahan." Hinila ako ni Faye at Rica para tumayo.

"Go on, I'll be right here."

"Come 'on. Suportahan mo naman ang boyfriend mo." pangungulit ni Faye sa akin.

"Sinusuportahan ko naman siya, eh. Ayoko lang talagang makipagsiksikan kaya dito na lang ako."

"Ay nako naman! Ang KJ nito. Bilis na at magsisimula na silang kumanta."

"Iwan niyo na lang ako rito. Mas gusto ko silang panoorin dito."

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon