Kabanata 28

4.3K 124 10
                                    

Kabanata 28
I can feel him

Pagkatapos ng prom. Akala ko makakauwi na ako agad ng bahay pero nag-aya pa si Genesis sa bahay nila. After party daw.

Nasa bangkok si tita Nimfa ngayon and the day after tomorrow pa raw ang balik nito. Ang sabi ni Genesis ay may meeting at event daw itong dinaluhan, kaya si Genesis lang at ang mga katulong nila ang nasa bahay ngayon. Ang sabi pa ni Genesis ay nagpaalam naman daw siya kay tita Nimfa na magpapaparty siya sa bahay nila, kaya hindi na ako tumutol sa gusto niyang mangyari. I'm not the strict type of girlfriend, but it doesn't mean that I like his idea na magparty sa kanila.

Sigurado akong may alak na hinanda si Genesis sa party niya, kanina pa kasi naghahanap 'nun ang marami. Hindi ako umiinom kaya magpapahatid na sana ako sa kanya. Ang kaso, gustong sumama ni Faye at nina Carousel. Panay ang pangungulit nila sa akin na sumama na rin, sinabihan pa nga akong kj. Kaya sa huli, sumama na lang ako.

Pagdating namin sa bahay nila Genesis ay halos mapuno ang frontyard nila dahil sa mga sasakyan ng mga nagsisama. Pagpasok na pagpasok ko naman sa loob ng bahay nila ay agad kong tinawagan si ate Silvia at nagpaalam na baka late na akong makauwi, sinabi ko rin na nandito ako kanila Genesis.

Ito ang unang beses na nakaexperience ako ng house party. Napakaingay at napakagulo. Pati hagdan nila Genesis ay may mga nakapwesto.

Ganito pala talaga magparty ang mga mayayaman. Katulad ng mga napapanood kong pelikula na welcome na welcome ang lahat ng bisita.  Nakakatakot tuloy pumasok sa mga kwarto para mapag-isa. Baka kasi may iba pa akong makita, katulad sa mga pelikula.

Ayoko ng ganito. Sumasakit ang ulo ko. Isipin ko pa nga lang ang mga kalat na iiiwan ng mga narito ay nakakastress na, though hindi naman ako ang maglilinis.

Hindi na ako nakatiis pa at tumayo na ako sa inuupuan naming sofa dito sa sala. Gusto ko na talagang umuwi, magpapahatid na ako kay Genesis.

"Guys, wait lang. Hanapin ko muna Genesis." paalam ko kay Carousel, Faye, Clang at Raiza na panay ang kwentuhan ng mga nangyari kanina sa prom.

Dahil nasa tapat lang ng sala ang mini bar ay doon agad dumapo ang paningin ko. Nakita ko roon si Darwin, pero hindi niya kasama si Genesis at ang iba pa niyang kabanda.


"Darwin!"

Ngingiti-ngiti itong lumingon sa akin. "Yes, Ms. Queen of the night?"

"Nasaan si Genesis?"

Nagkibit balikat siya. "Sabi niya kanina kukuha lang daw siya ng popcorn, but until now he's not coming back. Tignan mo kaya sa kusina."

"Sige, salamat."

Bago ako umalis sa kinaroroonan ni Darwin ay napangiwi ako nang makita kong may naghahalikan sa gilid ng wine rack.

Urgh! That's too PDA.

Habang papunta ako sa kusina ay may ilang lalaki akong nakita na mga naka longsleeve na lang. Ang iba pa nga ay sando na lang ang suot.

Karamihan sa mga bisita ay sumasayaw habang may hawak na kanya-kanyang beer pong cup. May mga nagpapaunahan pa ngang maubos ang baso nilang puno ng alak.

Everyone's getting wild, pero mukha namang enjoy na enjoy sila.

Pagdating ko sa kusina ay nag-uumpukan sa may island counter ang marami. Naroon kasi ang apat na malatoreng lalagyan ng liquor na may ibat-ibang kulay. Blue, Red, Green and Violet. Umaapaw din ang popcorn, chips, fries at chicken skin na nasa malalaking bowl.

"What the--"

"Sorry."

Muntik na akong makapagmura kung di ko lang narinig agad ang sorry ng babaeng nabunggo ako. May hawak siyang baso at may kaunting laman 'yon na natapon sa gown ko, sa may manggas.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now