Kabanata 45

4K 114 17
                                    

Kabanata 45
Wala sa sarili

"Amybelle, what happened? Bakit mo hinahabol 'yon?" ani Manoah na sinundan din pala ako sa paglabas ko ng club.

Umiiyak ko naman siyang hinarap.

"He's my boyfriend."

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Manoah.

"D-Diba 'yon yung lalaking kumakanta kanina?"

Tumango ako at laglag ang balikat ko na lumapit sa kanya.

"Ang pagkanta. Iyon ang sinasabi kong pangarap niya na ayokong maperwisyo dahil lang sa problema ko. Anong gagawin ko? For sure, iba ang tumakbo sa utak 'non nang makita niya tayo."

"Don't worry. Bukas na bukas ay sasamahan kitang magpaliwanag sa kanya. I'm so sorry. Hindi ko sinasadyang gawin pang mas komplikado ang relationship niyo."

Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko.

"Kasalanan ko rin naman, eh. Hindi ko kasi agad pinaalam sa'yo na boyfriend ko siya. Ang akala ko kasi ay hindi naman magkukrus ang landas namin kahit na nasa iisang lugar kami ngayon."

"Alam mo ba na sila ang magpeperform ngayon dito?"

Umiling ako. "Nagulat nga ako nang makita ko silang umakyat sa stage kanina."

Nasapo ko ng palad ko ang aking noo at muling tumulo ang mga luha ko. Naramdaman ko naman ang pagtapik-tapik ni Manoah sa balikat ko at saka niya ako niyakap, sa tangkad niya ay nakasubsob ako sa kanyang matipunong dibdib at doon ay malaya kong naibuhos ang mga luha ko.

"Wag ka ng masyadong mag-alala. Kakausapin natin siya bukas." pagpapalubag loob ni Manoah sa akin habang nagdadrive siya papunta sa amin para ihatid ako.

"Ang hirap kasing hindi mag-isip, eh. Paano kung hindi niya tayo maintindihan? Kitang-kita ko sa mga mata niya kanina ang galit. May mga tao pa naman na kapag sobrang galit ay nagiging sarado ang isip."

"Kung hindi ka niya kayang intindihin, well he didn't deserve you."

"Ano nga pala ang nangyari sa pag-uusap niyo ng ex mo?" tanong ko sa kanya para mapalitan na ang usapan namin. Naninikip na kasi ang dibdib ko kakaisip kay Genesis.

Nakita ko naman ang malapad na pag ngiti ni Manoah dahil sa tanong ko.

"Konti na lang at babalik na siya sa akin. Kanina kasi umamin na siya na mahal niya pa rin ako. Pero sinasabi niya pa rin sa akin na hayaan ko lang daw muna siyang makapag-isip isip. I can feel it, we are getting back together."

"Mabuti ka pa." mapait kong sabi.

"Magiging okay din kayo ng boyfriend mo. Baka nga sabay pa tayong magkaayos, eh. Basta kapag nagkabalikan kami ng ex ko at nagkaayos kayo ng boyfriend mo. Double date tayo."

Tumango lang ako sa kanya. Maganda nga sana ang naisip niya pero sana lang talaga ay maging okay na kami ni Genesis.

Alas-onse na nang makabalik ako rito sa apartment.
Pagdating ko ay tulog na si mommy. Hinalikan ko ang noo niya at saka ako kumuha ng damit pantulog sa closet at pumasok sa banyo para maglinis ng katawan.

Pagkatapos kong maghilamos ay napatitig ako sa salamin at muli ay bumalik sa ala-ala ko ang mukha ni Genesis habang nakatingin siya sa akin kanina. He look so mad. Ganoon din naman siguro ang mararamdaman ko kung ako ang nasa kinatatayuan niya, kasi hindi ko alam ang totoong kwento.

Hindi na tuloy ako makapaghintay na magpaliwanag kay Genesis. Gustong-gusto ko ng linawin sa kanya ang lahat. Nababagabag ako ng sobra, eh. Pakiramdam ko ay ang sama-sama kong tao kahit na wala naman akong ginagawang masama. I was just doing a favor from a guy I owe a lot.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon