Kabanata 22

4.6K 125 5
                                    

Kabanata 22
Pasyal

Inabot na kami ng gabi sa byahe dahil na rin sa traffic na naabutan namin paglabas namin ng expressway. Alas-siete pasado na and because it's dinner time at nagugutom na raw si Genesis, kumain na kami sa isang fine dining restaurant.

Sobrang nahihiya nga ako kay Genesis dahil siya ang nagbayad ng mga kinain namin, pati ng mamahaling cake na ibibigay namin kay mommy mamaya.

Ang kulit naman kasi niya, ikaw na lang ang susuko sa kakulitan niya.

"Baka naman mag overtime ang mommy mo sa trabaho niya at wala tayong maabutan sa inyo?" Nag-aalalang sabi ni Genesis habang nakaupo siya sa itim na leather sofa ng hotel na tinutuluyan namin ngayon, kung saan kami magpapalipas ng oras. Isa lang ang kinuha naming hotel dahil hindi naman kami matutulog ni ate Silvia rito.

"Oo nga pala, Mabel. Tawagan mo muna kaya si ate Roda, para siguradong may aabutan tayo sa bahay niyo." suggestion ni ate Silvia na nakaupo rin dito sa gilid ng kama. Nasa left side siya at ako naman dito sa right side.

"Maliligo muna ako. Nanlalagkit ang buo kong katawan." paalam naman ni Genesis na tumayo mula sa kinauupuan niya at saka naglakad papasok ng bathroom.

At mula naman sa glass sliding door ng hotel ay natatanaw  ko ang driver na kasama namin. Nasa balcony ito at naninigarilyo.

Sabagay ay ten o'clock pa lang naman. Ang balak ko ay eksaktong twelve namin susurpresahin si mommy at mga eleven thirty na kami aalis dito sa hotel dahil malapit na lang naman dito ang bahay namin.

"Tatawagan ko na muna si mommy, mahirap na at baka masira ang plano ko. May phone naman sa baba, diba?" tanong ko.

Tumango naman si ate Silvia at saka binuksan ang bag niyang nakapatong na rin sa kama.

Pagkadial ko ng landline number namin ay agad na nag ring iyon.

I feel nervous while waiting for my mom to pick up the phone. Hindi ko maiwasang mag-isip ng negative. Naisip ko na baka nag overtime si mommy. I really hope that she's in the house, so I can successfully do my plan.

Maya-maya pa'y tumigil na ang pagriring ng telepono. May sumagot na.

"Hello, sino 'to?"

Napangiti ako pagkarinig ko sa boses ni mommy.

"Hello, My? It's your beautiful daughter."

"Anak? Bakit ibang telephone number ang gamit mo?"

May caller ID sa bahay kaya nalalaman ni mommy ang number ng mga tumatawag.

"Ah...n-nasa bahay po kasi ako ng classmate ko. May tinatapos lang kaming project."

"Mag aalas-onse na. Sinong kasabay mong uuwi? Wag kang uuwi ng wala kang kasama. Tawagan mo ang ate Silvia mo at magpasundo ka." Matigas na sabi ni mommy.

Kinagat ko naman ang ibaba kong labi bago ako sumagot. "Sige po, my. Natutulog ka na ba?"

"Not yet. Mayroon lang akong inaayos na document. Amybelle Buencamino, umuwi ka na. Ayoko ng umuuwi ka ng ganyang oras. Sana sa bahay na lang kayo gumawa ng project na 'yan."

"Uuwi na nga po. Goodnight, my."

"Goodnight."

"I love you, my."

"I love you too. Ingat sa pag-uwi. Call me when you get home."

"Yes, po. Bye."

Pagkatapos kong makausap si mommy mula sa telepono ay nagmamadali na akong bumalik sa hotel room namin.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon