Kabanata 40

4.2K 120 17
                                    

Kabanata 40
Namalayan ko na lang

Dalawang linggo ang nakalipas at maraming nangyari. Una, isa na akong call center agent. Pangalawa, may sasakyan na si Genesis at pangatlo, kahapon ay nagsimula na ang unang araw ng pasukan nila. This coming saturday ay live naman na mag peperform ang fifteen contestant ng The Sound Of A Champion at kasali kami ni Genesis doon.

Last monday ay ipinatawag kaming lahat na mga magpeperform sa saturday for the preliminary round. Ibinigay kasi sa amin ang kantang kailangan naming aralin para sa live performance namin. Ipinaliwanag din sa amin na kukuha lang ng eight contestant sa fifteen na mag peperform this saturday.

One hundred auditionees kaming nakapasok para sa preliminary round at whole month ang bubunuin para masala ang isang daang 'yon. From One hundred contestant down to fifty at dahil isa kami nila Genesis sa mga naunang contestant na nakapasok ay isa kami sa mga unang magpeperform na lalaban naman sa Knockout round na ang pipiliin lang ay twenty five contestant.

"Mabel, maganda siguro kung babaan mo lang sa part na 'yan. Mahirap kapag nag stick ka sa original version. Why don't you make your own style, baliin mo the way you did before. Iyan ang inaabangan ng mga audience at judge sa'yo. Dapat tandaan mo ang mga sinasabi ng judges sa performance mo." ani Ms. Gail. Isa siyang singer and composer na product din ng isang singing contest along time ago.

Nandito ako ngayon sa studio ni Ms. Gail kasama ang apat pang contestant na kagrupo ko. Si Ms. Gail kasi ang mentor namin at kasalukuyan naming nire-rehearse ang kakantahin namin.

Magaling si Ms. Gail, ultimo diction namin ay inaayos niya at kaunting mali lang ay papaulit-ulitin ka niya, kaya hindi mo namamalayan na nakakabisado mo na 'yong kakantahin mo.

After four hours ay natapos din ang rehearsal namin at sabay-sabay kaming umalis ng mga kagrupo ko, sa studio ni Ms. Gail.

"Kinakabahan talaga ako sa saturday. Ang daming magagaling doon sa isang group. Sa performance pa lang ng Satellite lalampasuhin na tayo. Ibang klase mag perform si Genesis. Pakikiligin ka niya ng sobra and at the same time, maiinitan ka pa. He's so hot! Parang ginugulo niya ang mundo at sistema mo."

Sang-ayon ako sa sinasabi ni Razel tungkol kay Genesis dahil iyon din ang nararamdaman ko kapag pinanonood kong nagpeperform ang Satellite. You will love them as much as you love their music.

But how can she admire her opponent?

Well, hindi kasi ako ganoon noong mga panahong kaaway pa ang turing ko kay Genesis. I admit na nagagalingan ako noon sa kanila and I have a little feelings for him, pero hindi ako nagpadaig sa kung ano mang paghanga ko o tibok ng puso ko kay Genesis. All I think about before is to defeat him.

Kaya lang, iba na ngayon. Binura na ng pag-ibig ang galit ko sa kanya, kaya kahit na kalaban namin ang isat-isa dahil nasa iisang contest kami. Wala akong maramdamang kompitisyon sa aming dalawa.

Siguro part na rin 'to ng maturity ko. I realized that not all your competitor is an enemy.

"Ano ka ba, girl. Competition 'to. Kahit pa alam mong may mas magaling sa'yo. Dapat labanan mo pa rin, hindi 'yong nag-iisip ka agad ng nega dyan at pinapababa mo 'yang sarili mo." ani Laira.

"Tama. Kung mas magaling sila sa atin. Eh di, tapatan natin." sang-ayon naman ng nag-iisang lalaki sa grupo, na si Makki.

"Mas maganda siguro kung wag nating tapatan. Dapat, higitan." sabi ko naman.

"Correct ka dyan, Mabel. Pero para sa akin, magaling ka kasi talaga, eh. Ang ganda nga ng pagkakakanta mo ng One Of Us. Kinilabutan ako 'nong napanood ko 'yong audition mo."

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon