Kabanata 12

4.7K 131 19
                                    

Kabanata 12
Jumper

"Last tray naba 'to?" tanong ko kay Llyod nang iabot niya sa akin ang isang tray ng cupcakes.

"May dalawa pa roon."

"Kunin mo na lahat at palitan niyo na rin kami rito. Ang dami na naming nabenta o, kaunti na lang ang ibebenta niyo."

"Sige, tawagin ko lang 'yong dalawa sa room."

Pag-alis ni Lloyd ay napatingin ako sa booth nila Genesis.

Ubos na ang tinda nila at kasalukuyan na silang nagliligpit ngayon ng mga gamit nila. Naroon din ang mga kabanda ni Genesis. Panay pa nga ang kulitan nila.

"Mukhang sila ang magiging excempted sa exam at makakakuha ng mataas na grade sa class card sa first grading."

Napalingon ako kay Carousel na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala. Kinuha niya sa akin ang hawak kong tray at tumingin siya kanila Genesis at saka bumuntong hininga.

"Pero kung tutuusin, kahit naman mag exam si Genesis, siya pa rin ang makakakuha ng pinakamataas na grade. Ang talino niya kasi."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Si Genesis, matalino?

Alam kong magaling sa math si Genesis but I thought, math lang ang kaya niyang maniin.

"Matalino siya sa lahat ng subject?" hindi ko makapaniwalang tanong kay Carousel.

"Oo. Wala na talaga akong masabi dyan kay Genesis. Mayaman, matalino, gwapo, mabait at napakatalented pa. Ang swerte ng magiging girlfriend niya."

Lalong kumunot ang noo ko habang tinitignan ko si Carousel. Mukha na siyang kinikilig ngayon habang nakatitig siya kay Genesis.

"Ang swerte mo. Obvious naman kasing gusto ka niya."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Carousel. "Huh? A-Ako? Gusto niya?"

Muling pumasok sa isip ko ang ilang ulit at deretsahang pagpapahayag ni Genesis sa akin na gusto niya ako.

I can hear his voice inside my mind right now. But still I can't admit that he has a thing on me, maybe because my mind doesn't want me to get involve on him.

"Ikaw, gusto mo rin ba siya?" tanong pa sa akin ni Carousel.

"H-Hindi. Wala akong panahon sa mga ganyan. Book before boys yata ang motto ko."

"Ay sus. Wala namang masama kung kahit crush lang."

"Hindi ko siya crush."

"Bakit naman?"

"Hay nako, Carousel. Wag na nga natin pag-usapan ang lalaking 'yan."

"Ikaw, huh. Umiiwas ka."

"Sinong iniiwasan at bakit umiiwas?" sabad ni Jordan na kararating lang dala ang mga natitirang cupcakes. Kasama niya na rin si Anthony at Lloyd na agad lumapit kay Raiza at Clang na nasa booth.

"Wala. Usapang babae 'yon." sagot ni Carousel na nakangiting tinalikuran si Jordan at naglakad papunta sa loob ng booth namin.

Si Llyod, Jordan at Anthony ang naiwan sa booth namin para itinda ang natitira naming cupcakes na ginawa namin. Kami naman nina Carousel, Raiza at Clang ay minabuting maglibot-libot na lang muna at tignan ang iba pang booth na narito. Kasama rin namin si Faye.

Maraming nagkalat na booth dito. Nagsisiksikan na nga kami dahil wala na halos madaanan.

Mayroong message booth kung saan magbabayad ka lang ng limang piso ay pwede ka ng magpadala ng letter para sa taong gusto mong padalhan. You can put a name on the letter or pwede rin naman na kahit hindi na, but you have to make sure that infront of the letter, naroon ang pangalan ng padadalhan mo at ang section nito. Pwede ka rin mag message personally ng nakamicrophone at maririnig sa buong school ang message mo.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now