Kabanata 46

4.1K 117 7
                                    

Kabanata 46
Make myself happy

Pagbalik ko ng ospital ay agad kong inilapag sa bakanteng kama sa tabi ng kama ni mommy ang dala kong pagkain at saka ko siya niyakap ng mahigpit.

"What's wrong? Amybelle, anong nangyari sa'yo?"

Hindi ko sinagot si mommy. Humagulgol lang ako habang nakayakap sa kanya. Until now ay nanginginig pa rin ang buo kong katawan. Bumabalik kasi sa ala-ala ko ang sapilitang pag-angkin sa akin ni Genesis kanina. Takot na takot ako sa kanya, lalo na kapag naaalala ko ang mukha niya habang marahas niya akong ginagalaw.

Hindi ko lubos maisip na gagawin niya sa akin iyon.

Galit ako sa kanya. Pakiramdam ko ay binaboy niya ako. Pakiramdam ko ang baba ng tingin niya sa akin para sabihin niyang nagpunta ako sa condo niya para lang makipag sex.

Naiinis ako. Naiinis ako na hindi niya ako hinayaang magpaliwanag. Siguro kaya ko pang lumaban kung pinaalis na lang niya ako dahil ayaw niyang marinig ang paliwanag ko, pero ang pilitin ako sa bagay na ayoko, iyon ang hindi ko matatanggap.

"Ano ba ang nangyari, huh? Pinag-aalala mo ako, Amybelle."

Kumalas ako sa pagyakap kay mommy at humihikbi kong pinunasan ang mga luha ko at saka ako umiling kay mommy.

"Umiiyak ka ng walang dahilan? Amybelle, ano ang nangyari? Sabihin mo sa'kin."

"T-Teka lang po, Mi. Tatanungin ko 'yong doktor kung pwede na po tayong makauwi."

"Amybelle."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at bakas sa mukha ni mommy ang pag-aalala nang talikuran ko siya at nagmamadali akong lumabas sa kwartong kinaroroonan niya. She's sick and she needs to rest.

Muli kong pinunasan ang mga luha ko habang naglalakad ako sa hallway ng ospital para hanapin ang doctor na nag examine kay mommy.

Masyadong okyupado ang isip ko ngayon. Dahil sa mga nangyari ay hindi ko na alam kung ano pa bang kahihinatnan namin ni Genesis. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang mahihigpit niyang hawak sa akin, ang mariin niyang mga halik. Feeling ko nga ay magkakapasa ang braso ko na mahigpit na hinawakan ni Genesis kanina, pinipiga niya iyon na para bang hindi na makadaloy ang dugo at kaunti na lang ay madudurog na ang mga buto ko.

Bumalik ako sa aking sarili nang may makabunggo sa aking nurse.

"Ms. Okay ka lang?" tanong nito sa akin.

Tumango lang ako rito at saka ako mabilis na naglakad palayo sa kanya at saka ako pumasok muna ng cr.

Ako lang ang tao rito habang naghihilamos at nang mapatingin ako sa reflection ko ay nakaramdam ako ng awa sa aking sarili at saka ko bahagyang hinawi ang leegan ng suot ko at doon ay nakita ko ang malaki at mamula-mula pang marka na ginawa ni Genesis kanina.

Agad ko naman itong itinago nang may biglang pumasok dito sa loob. Pinunasan ko ng bimpo ko ang aking mukha at saka ako lumabas na ng cr.

Alas-diyes pasado na nang makauwi kami sa apartment. Bumaba na ang lagnat ni mommy at pagkatapos naming kumain ay nakatulog na siya agad.

Ako naman ay nakatulala lang habang nakaupo ako rito sa sofa at yakap-yakap ko ang mga tuhod ko.

Buong gabi akong nag-iiyak kaya naman paggising ko kinabukasan ay maga ang mga mata ko na hindi ko naitago kay mommy.

"Ano bang nangyari sa'yo, kagabi? Magsabi ka nga sa akin, Amybelle. May nangbastos ba sa'yo? Anak, wag mo ng ilihim sa akin dahil hindi maitatago ng mga namamaga mong mata ang mga nangyari sa'yo kagabi."

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now