Kabanata 1

7.6K 164 9
                                    

Kabanata 1
Hindi uurong

"Mabel, are you really sure about it?" Bakas sa mukha ni mommy ang pag-aalala habang itinatanong niya sa akin iyon. Nakapamaywang pa nga siya at nakatayo sa harap ko. Nasa kama niya naman ako at nakaupo rito.

"Yes, mi. I love this place."

Supposedly ay isang linggo lang ang plano namin ni mommy na pagbabakasyon dito sa Ashralka. After dapat ng fiesta ay babalik na ulit kami ng manila, kaya lang ay matagal ko na siyang kinukulit na gusto kong tumira rito at mag-aral.

"Mas maganda ang buhay sa manila. Mas madali pa." my mom said.

"Iyon nga ang ayoko sa manila, eh. Lahat ng bagay ginagawang madali. Mas masarap pa rin ang mabuhay ng nahihirapan. Masarap 'yong pinaghihirapan mo ang lahat." paliwanag ko naman.

She rolled her eyes and crossed her arms. "Manang-mana ka talaga sa tatay mo. Parehong-pareho kayo mag-isip."

Nginitian ko naman siya at niyakap siya sa baywang.

"Payagan mo na ako. Promise I'll behave and I'll study well." 

"Mamimiss kita." Napanguso siya at hinawi ang mahaba kong bangs na tumatakip na sa mga mata ko. "Mamimiss ko ang kakulitan mo kung hindi ka sasama sa akin pabalik ng manila."

"You can call me anytime you want at saka every sunday, punta ka rito."

"I can't. Alam mo namang malayo ang byahe papunta rito. Byahe pa lang ubos na oras ko. But I'll try to visit you thrice a month."

"Uhm...pwede rin." I smiled at her at mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa baywang niya.

"So, kailangan...bago ako bumalik ng manila. Makahanap na tayo ng katulong na makakasama mo rito."

"Huh?" Napakunot ang noo ko. "Mi, kaya ko na kahit walang katulong."

Binigyan niya ako ng hindi naniniwalang mga tingin. "Tumigil ka nga dyan, Amybelle. Anong kaya? Ni hindi ka nga marunong magluto, maglaba at maglinis ng bahay. Kung hindi gitara at piano ang kaharap mo. Gameboy naman, kapag hindi gameboy, playstation. Mabubuhay ka ba kung puro ganoon ang gagawin mo, huh? Masyado kang naaadik sa mga games na 'yon."

"Mi, naaadik ako sa mga 'yon kasi wala naman akong ibang mapaglibangan sa manila. I don't have friends there, but I have a lot in here. For sure, mababawasan na ang paggamit ko ng ps at gameboy if I'll stay here for good. And beside, you can teach me some house choirs while you're still here, para pag-uwi mo sa manila. Marunong na ako."

"Ano ka? Ang hirap mo kayang turuan. Kapag nga inuutusan kita, puro ka sandali. Isang linggo lang ako rito, Mabel. Hindi sapat ang ilang araw para matutunan mo lahat. Kailangan may makasama ka rito na gagawa ng mga gawaing bahay na hindi mo kayang gawin."

Napanguso ako. Wala sa plano ko na kapag tumira ako rito ay may makakasama na naman akong katulong.

Hindi naman kami sobrang yaman pero lumaki akong may ibang taong gumagawa ng isang bagay para sa akin. Lumaki akong may yaya. Hindi tuloy ako natuto na gumawa ng mga gawaing bahay.

"Mi, I want to be independent."

"Magpaka-independent ka kapag marunong ka na ng mga gawaing bahay. But for now, kailangan mo pa rin ng katulong. Sige ka, pag hindi ka sumunod sa akin, pareho tayong babalik ng manila."

"Alright. Alright. Maghanap tayo ng katulong."

Ayoko ng kontrahin pa si mommy kasi baka magbago ang isip niya at totohanin niya ang kanyang banta.

"Oo nga pala, mamamalengke ako. You wanna come with me?" yaya ni mommy na nagpangiti sa akin.

Dalawang araw na kasi kami rito sa Ashralka, kaya lang ay sa El Ciero kami tumuloy kasi nakipagkita si mommy sa kaibigan nila ni daddy na roon nakatira. Kagabi lang kami nakarating dito sa Sul Medra kaya ngayon pa lang din ako makakagala ulit dito.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now