Kabanata 6

5.6K 178 28
                                    

This chapter is dedicated to @JMarizCute Dahil ni flood niya ako ng comment sa recent chapter ng BWL. Joke, thanks for reading my stories.

Kabanata 6
Classmate

Bago magtakip silim ay nag-siahon na kami ng mga kaibigan ko sa tubig. Muli kong isinuot ang t-shirt ko na ipinatong ko sa aking sando, malamig kasi at hindi rin ako nakapagdala ng tuwalya. Pagkatapos ay isinuot ko rin ulit ang jumper ko. Dahil si Ravina ang huling gumamit ng gitara ko ay siya ang nagsilid nito sa lalagyan at siya rin ang nagpresinta na dalhin ito.

Habang inililigpit ng mga kaibigan ko ang mga gamit nila ay hinintay ko sila sa may bungad ng trail na dadaanan namin. Gusto ko kasing pagmasdan pa ang Cambugahay falls, gusto kong sulitin at itatak sa isip ko kung gaano ito kaganda.

Mula sa kinaroroonan ko ay nakikita ko si Genesis at ang ilan niyang kaibigan na nag-aayos na rin ng mga gamit nila.

Mukhang magkakasabay pa yata kaming magsi-uwi. Sana lang ay matapos agad ang mga kaibigan ko para mauna kami sa kanila.

"Uuwi na rin pala kayo?" Napakunot ako ng noo ko nang biglang sumulpot ang isa sa mga kaibigan ni Genesis na nakangiting nilapitan ako. Siya 'yong pumuri sa akin kanina.

Nakasando na siya ngayon at may nakasukbit na backpack sa likod niya habang naka-trucker cap din siya.

"Mahihirapan daw kasi kaming makaalis dito kapag dumilim na." ayoko namang masabihang snobber kaya sinagot ko siya.

"Kung sabagay. Hindi pa pala tayo nagkakakilala. Ako si Jace Delgado." ngumiti siya sa akin at inabot ang kanyang kamay.

"Amybelle Buencamino. But you can call me Mabel for short." Pakilala ko naman sa kanya at saka ko siya kinamayan.

"Ang sabi ni Genesis, ikaw daw ang bagong vocalist ng HERA band? Kaya siguro hindi kita napansin noong unang beses na nakalaban ng banda namin ang banda niyo, kasi bago ka lang."

"Dati ka na palang member?"

"Oo."

"Actually, fan lang ako ng HERA noon. Nasa audience lang ako at nagchecheer sa kanila."

"Kaya naman pala. Pero ang sabi ni Genesis, unang beses na nakalaban namin ang HERA, nakilala ka na raw niya. He keeps saying na siya ang unang nakakilala sa'yo. Binabakuran ka niya agad." tumatawang kwento pa ni Jace sa akin.

"Binabakuran? Ano 'yon?"

"Hinaharang niya agad ang ibang lalaki. Para hindi sila makapasok sa buhay mo."

Napakunot ang noo ko. "Hindi kita magets."

"Jace! Tumulong ka nga roon, bitbitin mo 'yong tubigan."

Napalingon si Jace at napatingin naman ako sa naglalakad at papalapit sa amin na si Genesis.

Ngayon ko lang napansin na maganda pala ang pangangatawan niya, sweat shorts lang kasi ang suot niya, wala siyang pang-itaas and he has a guitar necklace. May pasan-pasan siyang bag at tumutulo pa ang mahaba at basa niyang buhok na hindi na lalampas sa balikat ang haba, unlike before.

Malapad ang dibdib ni Genesis at he has abs.

Agad kong inalis ang tingin ko roon.

"Ang dami niyo roon, hindi niyo pa nabuhat 'yon? Para namang may laman pa 'yong lalagyan." tila nagrereklamong untag ni Jace kay Genesis habang nagkakamot ito ng ulo.

"Sige na, bitbitin mo na'yon. Nagrereklamo ka pa." bossy pang sabi ni Genesis.

Pag-alis ni Jace ay nag-iwas ako ng tingin kay Genesis.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon