Kabanata 15

5.4K 150 22
                                    

Kabanata 15
Music Fest

Matapos ang ilang araw na pagpapagaling ko sa bahay. Tuluyang bumuti ang aking pakiramdam. Palagay ko nga ay nakatulong ang 'granada' fruit na ibinigay ni Genesis sa akin, kaya gumaling ako agad. Nag-enjoy talaga ako sa pagkain ng prutas na'yon. Ngayon nga ay hinahanap-hanap ng panlasa ko ang naghahalong tamis at asim nito.

Pagbalik ko sa school ay agad akong nag take ng special exam and at the same time, tila tuluyan ng nawasak ang pader na hinarang ko para kay Genesis. Para bang kasabay ng pagkawala ng trangkaso ko ay tinangay na rin nito ang itinanim kong pagkasuklam kay Genesis.

Iniiisip ko nga na baka may orasyon siyang ginawa roon sa mga prutas na dinala niya, bago niya ibinigay sa akin, but it sounds ridiculous.


"Marami 'non sa hacienda. Natatandaan mo 'yong tree house na pinuntahan natin? Iyong mga puno na nadaanan natin bago tayo makarating doon? Namumunga kasi ng pomegranade ang mga 'yon." sabi sa akin ni Genesis habang magkatabi kaming kumakain dito sa cafeteria.

Kasama namin ngayon ni Faye si Genesis at ang mga kabanda niya. Kanina kasi, habang kumakain kami ni Faye ay lumapit si Genesis at ang mga kabanda niya sa amin. Tinanong kami ni Genesis kung pwede raw ba silang makiupo, wala namang pagdadalawang isip na pumayag ako.

Hindi tulad ng dati na makita ko pa lang si Genesis ay parang kumukulo na ang dugo ko, ngayon ay hindi ko na talaga maramdaman iyon.

Malaki ang utang na loob ko kay Genesis kasi noong mga panahong kailangan ko ng tulong, nandoon siya. Hindi ko hiningi ang tulong niya, kusa niyang binigay 'yon at pinaramdam niya sa akin ng buong puso.

"Hayaan mo, kapag medyo nahinog 'yong iba pang granada roon, ibibigay ko 'yon sa'yo." dagdag pa ni Genesis. Nasabi ko kasi sa kanya kung gaano ko kagusto ang pomegranade na dinala niya para sa akin.

Lihim naman akong naexcite sa sinabi niya na bibigyan niya ako ulit ng granada fruit.

"Gen, nainvite mo na ba sila sa magaganap na music festival?"

Napakunot ang noo ko sa tanong ni Georg.

"Music festival? Saan? Kailan?" Sunod-sunod kong tanong.

"Next week na 'yon. Sa La Solimatra. Hindi ba kayo na inform?" ani Genesis. "May magaganap na free concert. Ito ang unang beses na magdadaos ng music festival dito sa Ashralka, kaya dapat alagaan mo ang sarili mo, Mabel. Para hindi ka na kapitan ulit ng sakit at makapunta ka roon." dagdag niya pa.

Napanguso naman ako at nilingon ang nasa left side ko na si Faye.

"Why didn't you tell me about it?" tanong ko sa kanya.

Ngumisi naman siya sa akin. "I forgot."

"Bakit ngayon lang nagkaroon ng music fest dito?" tanong ko ulit.

"Ang sabi ni mama, matagal na talagang may nagpepetition na magkaroon ng music fest dito, pero last year lang nila naasikaso at napag-usapan ng ilan pang malalaking pamilya rito sa Ashralka. Malaki talaga ang impluwesya ng musika rito sa Ashralka. Karamihan sa mga Ashralkan ay may mga talento sa pagkanta at pagtugtog ng mga musical instrument." paliwanag pa ni Genesis.

"Tama. Diba, Ashralkan si Code Realonda?" sabi naman ni Darwin. Siya ang keyboardist ng Satellite.

Speaking of Code Realonda. Ang banda niya ang isa sa inspirasyon ko sa tuwing tumutugtog at kumakanta ako. Nakakalungkot and at the same time ay nakakainspired ang mga pinagdaanan niya bago siya naging kilalang vocalist ng grupo niyang Downtown na isa ng kilalang banda hindi lamang dito sa pilipinas kung di sa buong mundo.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now