Kabanata 34

3.9K 103 13
                                    

Kabanata 34
Pagsubok

Inilibot ng lalaki ang paningin niya sa bahay namin at saka siya tumawa ng mapanuya.

"Nagpapatawa ka ba, Rodora? Kulang pa ang bahay at mga gamit niyo sa sampung milyon na pagkakautang mo." Galit na bulalas ng lalaki kay mommy.

"Bigyan niyo pa po kami ng ilang buwan. Pag-iipunan po namin ang utang ni mommy." sabi ko.

Napatingin sa akin ang lalaki. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at umangat ang isang sulok ng kanyang labi.

"At ano namang maitutulong ng isang batang katulad mo?"

"Hindi na ako bata. Maghahanap ako ng trabaho." bulalas ko

"Talaga?" Mapanuya ulit itong tumawa at dahan-dahang naglakad palapit sa akin.

"Wag mong gagalawin ng anak ko." saway ni mommy sa lalaki.

Napalunok naman ako at napaatras mula sa kinatatayuan ko. Pigil ko ang aking hininga habang nakatitig sa akin ang lalaki na para bang may kung anong naglalaro sa isip nito. Tingin na may halong pagnanasa.

"Hey, that's my girlfriend, don't you dare to touch her." matapang na banta ni Genesis.

Lumipat ang tingin ng lalaki sa kanya habang nakangisi ito.

"Ano namang gagawin mo kung hawakan ko ang girlfriend mo? Bubugbugin mo ako, huh? Bata?"

Umigting ang mga panga ni Genesis at nakita ko ang panginginig ng kanyang nakakuyom na mga kamao.

"Subukan mo 'ko." matapang niya pang sabi.

"Genesis!" saway ko naman sa kanya.

Kaunti na lang ay mukhang sasabog na siya. Natatakot ako na baka bigla na lang niyang suntukin ang lalaki, may baril pa naman ito. Oo, matangkad si Genesis at malaki ang katawan niya, pero mas malaki naman ang katawan sa kanya ng mga lalaking narito, para silang mga bouncer ng isang club.

"Alam mo, boy. Hindi sa lahat ng oras kailangan mong maging matapang. Pasalamat ka at hindi ako pumapatol sa bata. At pasalamat ka rin, Rodora. Dahil may anak din ako katulad mo. Kaya bibigyan pa kita ng pagkakataon."

Muling naglakad ang lalaki palapit kay mommy. Iniluhod niya ang isa niyang tuhod at nakangising sinalo ng dulo ng baril niya ang baba ni mommy at dahan-dahang inangat iyon.

"Tatlong buwan. Sa oras na hindi mo mabayaran ang natitira mo pang utang kay boss. Magpaalam ka na sa anak mo."

Tumayo ang lalaki pagkatapos nitong pagbantaan si mommy. 

"Pumunta ka kay boss mamaya. Wag na wag kang gagawa ng bagay na hindi niya magugustuhan, Rodora. Baka maaga kang magpaalam sa anak mo."

Pagkatapos sabihin iyon ng lalaki ay lumabas na ito ng bahay namin kasama ang ilan pang lalaking kasama niya.

"Mi!"

Mabilis kong dinaluhan si mommy. Napaluhod ako sa sahig at niyakap siya ng mahigpit habang pareho kaming umiiyak.

"I'm sorry, Mabel. I'm so sorry."

Nang mahimasmasan kaming pareho ay tinulungan kami ni Genesis na maupo sa sofa, binigyan niya pa kami ng tubig pagkatapos ay tumabi siya sa akin habang hinahaplos-haplos niya ang likod ko.

Ikinuwento ni mommy ang lahat sa amin ni Genesis habang kami naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanya.

Ayon kay mommy ay may naging kaibigan daw siyang nahikayat siyang mag casino. Kasamahan niya iyon sa trabaho. Iyon ang mga panahong nasa ashralka na ako. Kapag walang pasok si mommy ay nagkakasino sila ng kaibigan niya, naging libangan niya iyon hanggang sa naloko na siya at nagagamit na niya ang mga ipon nila ni daddy sa bangko.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now