Kabanata 41

3.7K 102 28
                                    

A/N: Nagmamadali na naman yung daliri ko. Napost ko agad yung di ko pa tapos na update. Sorry guys. 😂 Pero okay na 'tong update na 'to. Enjoy reading.

Kabanata 41
Is this how you love?

Magtatatlong buwan na pero halos wala pa sa kalahating milyon ang naiipon namin ni mommy. Kahit sobra-sobrang pagbubudget na ang ginagawa namin at ilang overtime pa ang gawin ay malabo talagang makaipon kami ng isang milyon sa loob lang ng tatlong buwan. Hindi naman kasi ganoon kalaki ang kinikita namin at saka malaki pa ang kaltas kapag sumusweldo kami. Kailangan din naming magbayad ng renta rito sa apartment, bill sa tubig at sa kuryente at syempre pati ang budget namin sa pamasahe pagpasok.

Sa tuwing sasahod nga kami ni mommy ay parang pinahawakan lang sa amin ang pera dahil sa isang iglap ay wala na iyon sa palad namin at sa halip na kumakain kami ng masarap, we will ended up eating sardines.

Akalain mo 'yon, kasusweldo lang tapos sardinas ang ulam.

Walang araw na hindi sumasagi sa isip ko ang utang ni mommy at ang nanganganib niyang buhay. Minsan ay natutulala na lang ako sa kaiisip ng paraan para mas makaipon. Sumasagi pa nga sa isip ko na mag benta na lang ng kidney o kaya ay ng katawan, pero hindi pa naman ako ganoon kadesperada para gawin 'yon at saka hindi ko yon kaya.

Kung naiistress ako sa problema ni mommy. Ano pa kaya siya? Hindi pa naman ganoon katanda si mommy pero sa itsura niya ngayon ay mas mukha siyang matanda sa edad niya.

Ang dami na niyang wrinkles sa noo at sa ilalim ng kanyang mga malalalim na mata. Last week nga ay nagkasakit siya sa sobrang pagod, mabuti na lang at hindi naman nagtagal. Nagpapasalamat din ako dahil hindi pa sumusuko ang katawan ko. Masyado yatang malakas ang resistensya ko.

I'm physically fine but mentally and emotionally in pain.

Hindi lang kasi ang utang ni mommy ang iniisip ko ngayon. Pati ang relasyon namin ni Genesis ay pinoproblema ko na rin.

We're not in a healthy relationship anymore. Napag isip-isip ko na siguro kailangan muna namin magpahinga.

"Mabel, maghanda ka na at ikaw na ang susunod. Pakibilisan ang pag-aayos sa kanya." sabi ng isa sa mga staff habang nakasilip ito sa pinto ng dressing room na kinaroroonan ko ngayon.

"Mabel, five minutes. Chop, chop." sabi pa nito bago muling isinara ang pinto.

Ramdam ko naman ang pagkataranta sa pag-aayos sa akin ng make-up and hair stylist.

Quarter finals na ngayon ng The sound of a champion at sampu na lang kaming natitira. Mamaya after ng performance namin ay walo na lang kaming pipiliin na maglalaban-laban sa semi-finals next saturday.

Sobrang kinakabahan ako ngayon kasi pakiramdam ko ay ang gagaling ng lahat ng kasama ko at malalakas pa ang appeal sa mga audience, kaya siguradong malalakas sila sa vote.

Last week pa lang nang magsimula ang text voting ng TSOAC at ang Satellite ang nakakuha ng pinakamataas na boto, sumunod naman na nakakuha ng mataas na boto si Sarah. At sa pagkakatanda ko naman ay nasa pang walo ako na nakakuha ng mataas na boto, fifteen pa kami 'non pero sampu lang kaming nakapasok.

"You're done." sabi ng make-up artist na nag-aayos sa akin.

Tumayo naman ako agad sa kinauupuan ko at nagmamadaling lumabas ng dressing room suot ang v-neck printed tweed dress na hanggang tuhod ko at itim na high heels.

Paglabas ko ay agad akong sinalubong ng isa sa mga staff. Binigay nito sa akin ang gitara ko at tinulungan akong isuot 'yon para hindi masira ang buhok kong ikinulot na parang buhok ni Julia Robert sa Pretty Woman.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now